Advertisers

Advertisers

Julia pinagselos ang dyowa ni Joshua

0 3

Advertisers

Ni Archie Liao

Viral ang kumalat na clips ng mall show ng tambalang JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ito ay may kaugnayan sa promo ng kanilang pelikula na malapit nang ipalabas ngayong Setyembre.

Dahil certified box office hit ang last movie nila together, masasabing malaking hamon para sa tambalan ang tapatan o higitan ang record ng kanilang previous romantic drama.

Sa clip,bagamat may mga kinilig sa kanilang comeback movie,meron din namang nag-cringe.

Makikita kasi sa video ang sweetness ng dalawa kung saan may pa hug pa at pa-kiss si Joshua sa ex.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa naturang clip.

“Kinilig ang JoshLia heart ko.”
“Bakit parang sintunado.”
“Hanep naman ng fan service.”
“Parang awkward.”
“Is this how they promote their film?”
“Ang tibay naman ng dyowa ni Juswa. Kung ako iyan, magseselos ako.”
“Nangangamoy balikan.”
“Di ba pareho na silang may dyowa?”
“Parang di na kailangan ang ganyang fan service kung tried and tested na ang kanilang love team.”
“Hahaha.Pinagselos talaga si Emillienne.”
“Baka naman may blessings ng dyowa ni Josh.”
“For the views or clout.”

***

R-16 rating, iginawad sa mga sci-fi, action, suspense na sine ngayong linggo

DRAMA, sci-fi, anime, aksyon at suspense ang mga mapagpipilian ngayong linggo matapos pahintulutan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas sa anim na sine ngayong linggo.

Hinikayat ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto ang mga manonood na tiyakin ang klasipikasyon ng mga pelikula bago pa man bumili ng mga tiket.

“Karamihan sa mga pelikulang palabas ngayong linggo ay rated R-16. Kailangan ng masusing paggabay sa panonood ng ating mga anak,” sabi niya.

“Ganunpaman, inaasahan namin na maraming maeenganyo sa samu’t saring mga sine na tampok ngayon,” dagdag ni Sotto.

“Resident Evil,” isang reboot at ang ika-walong sine sa sikat na film franchise, ay ginawaran ng R-16 rating dahil sa intense profanity at strong language, karahasan, strong horror element at imitable behavior. Bida sa sci-fi flick na ito sina Austin Abrams, Paul Walter Hauser at Zach Cherry.

“R-16 is recommended because while the film contains intense violence, gore, and horror imagery, the fantastical nature of the infected creatures and supernatural circumstances makes the fictional context clearly apparent to the viewer,” sabi ng Ahensiya.

Ang action movie na “Runner” ay may R-16 rating. Tampok dito sina Alan Ritchson, Owen Wilson at Rodrigo Santoro. Ekslusibo itong mapapanood sa Megaworld Cinemas.

Sabi ng MTRCB, ang karahasan ng pelikulang ito ay “frequent and intense but largely action-oriented and graphic.”

“Violence, bloody images, peril and infrequent coarse language. The film follows a former soldier racing against time to deliver a life-saving organ while being pursued by a violent cartel,” sabi nito sa isang content advisory.

Ang “My Mother’s Eyes,” isang 2023 Japanese suspense movie tungkol sa mag-ina na nasangkot sa isang traffic accident, ay rated R-16. Bida rito sina Hisashi, Kosuke Hoshi at Takuma Izumi.

Bagama’t tinatalakay nito ang family dynamics, sacrifice at ang complex relationship ng mga ina at kanilang mga anak na babae, ipinaliwanag ng MTRCB na tungkol din ito sa sikolohikal na epekto ng kapansanan at ang ethics ng paggamit ng makabagong medical technology.

Ito ay mayroong graphic na detalye ng karahasan, pati na ang hallucinogenic drugs at paggamit ng pinagbabawal na gamot.

“The experimental medical technology and its consequences present ethical dilemmas that viewers might find thought-provoking but potentially disturbing. The film also touches on themes of depression and suicidal thoughts, which require mature understanding,” paliwanag ng Ahensiya.

Ang “Edjop,” isang gawang-Pilipinong sine na tungkol sa buhay ni Edgar Jopson, ay may R-16 rating. Bida rito si Elijah Canlas at Jodi Sta. Maria.

Ito ay may “mature historical and political themes, frequent strong language, and sustained depictions of torture, custodial abuse, extrajudicial killings, armed encounters and realistic violence.”

Paliwanag ng MTRCB, bagama’t bahagi ang mga ito ng makasaysayang naratibo ng pelikula, kailangan ng “higher degree of maturity” para maintindihan ito.

“The film’s portrayal of the Martial Law period and its historical figures is presented within the context of a biographical dramatization of events of significant public and historical interest,” dagdag ng Ahensiya.

Baka naman mas gusto ng mga batang manonood na mahilig sa Japanese anime ang “The Irregular at Magic High School The Movie – Yotsuba Succession Arc,” na may R-13 rating.

Ito ay base sa sikat na web novel at light novel series, at tampok ang mga boses nina Saori Hayami at Yuichi Nakamura. Ekslusibo itong mapapanood sa SM Cinemas.

“The film contains mature thematic elements involving family conflict, succession, political marriage and a complicated relationship between siblings. It also features fantasy violence and emotionally intense situations. The violence is presented within a fantastical animated context,” sabi ng MTRCB.

Tampok sa “Gateway Cineplex 18 Rewind: Mind Games and Dark Thriller” ang tatlong reissued na sine: “Blink Twice” (R-16), “The Substance” (R-18) at “Orphan First Kill” (R-13). Mapapanood ang mga ito mula Setyempre 16 hanggang 22.

Ang “58th,” isang animated biographical movie tungkol sa 2009 Maguindanao massacre, ay ginawaran ng R-16 rating. Bida rito ang yumaong Ricky Davao, Glaiza de Castro, Zyren dela Cruz, Marco Masa, Mikoy Morales at Biboy Ramirez.

“The movie utilized a blend of rotoscope animation, re-enacted personal recollections and official archive footages from the aftermath of the 2009 tragedy,” sabi ng MTRCB. Ang karahasan sa pelikula ay maaaring hindi angkop mapanood ng mga manonood na mas bata sa 16 taong gulang.

Samantala, ang “NCT 127 5th Tour ‘NEO CITY: SEOUL – THE REDLINE” ay rated Parental Guidance at ekslusibong ipapalabas sa SM Cinemas.

Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.

Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.