Advertisers

Advertisers

Chris Cahilig, very friendly at accommodating sa Puregold CinePanalo presscon

0 2

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Napakaaliwalas ng mukha ng bagong manager ng aktres na si Bea Alonzo na si Chris Cahilig, tipong laging nakangiti kahit super busy sa press conference ng Puregold CinePanalo.

Super accommodating at friendly pala ni Chris. Kahit busy sa event, laging may smile at very approachable pa rin siya sa mga taong lumalapit sa kanya.

Sa katatapos na press conference ng Puregold CinePanalo Film Festival na ginanap sa Gateway Mall, nagpahayag si Mr. Christopher Cahilig, Festival Director ng Puregold CinePanalo Film Festival, tungkol sa mga pelikulang handog ng festival ngayong 2026.

Ani Chris, “Tatlong taon na mula nang ilunsad namin ang Puregold CinePanalo Film Festival at kung babalikan ko ang simula, hindi ko rin talaga inakala na ang isang konseptong ganito ay buong pusong susuportahan ng isang grocery chain na minamahal natin, mga Pilipino.

“Nagsimula ang Puregold CinePanalo sa isang malikot na idea. Paano kung gumawa ng film festival ang isang grocery chain?

“Noong unang inilunsad namin ito, marami ang hindi naniwala, marami ang nagduda, marami ang nagtanong kung seryoso ba talaga kami. Pero sumugal ang Puregold. Sumugal sila sa isang festival na noon ay idea pa lamang dahil naniwala sila sa kakayahan at husay ng mga Pilipinong filmmaker. Naniwala sila na kapag binigyan natin ng pagkakataon ang mga kuwentong Pilipino, kaya nilang makipagsabayan, kaya nilang tumawid sa mga hangganan at kaya nilang marating ang mga lugar na hindi natin inaakalang mararating.

“At ngayon, tatlong taon na ang lumipas. Tingnan n’yo kung nasaan na tayo. Ang mga pelikulang nagsimula rito ay humakot ng mga parangal, nakarating sa iba’t ibang bansa at nagdala ng mga kuwentong Pilipino sa mga manonood sa labas ng Pilipinas. Kinilala rin ang ating mga pelikula sa iba’t ibang award-giving bodies.

“Ang ating malikot na idea ngayon ay pelikulang naglalakbay na sa mundo.

“Sa unang dalawang taon, pinili naming magkaroon ng isang malinaw na tema, mga kuwentong panalo ng buhay. Nais naming makalikha ng mga pelikulang nagbibigay-inspirasyon.

“Pero ngayong taon, may binago kami. Tinanggal namin ang tema, hindi dahil wala kaming gustong sabihin, kundi dahil gusto naming makinig.

“Hinayaan naming malaya ang ating mga filmmaker na magkuwento kung ano ang gusto nilang sabihin, kung ano ang gusto nilang ipakita at kung ano ang tingin nilang kailangang marinig at makita ng ating mga manonood. At napakaganda ng naging resulta.

“Mayroon tayong 19 student short films na may kanya-kanyang tinig, pananaw at paraan ng pagtingin sa buhay at pagiging Pilipino.

“Mayroon tayong pitong full-length films.

“Pitong full-length films na tunay na nakakuha ng panlasa ng ating mga manonood.

“Pitong pelikulang maipagmamalaki natin bilang Pilipino sa kalidad ng paggawa, sa husay ng pagkukuwento at, higit sa lahat, sa kakayahan nitong hulihin at isalarawan kung sino tayo.”

Samantala, narito ang mga pelikulang kabilang sa Full-Length Category ng Puregold CinePanalo 2026.

“Apole of My Ai”
Director: Thop Nazareno
Starring: Zanjoe Marudo, Zion Cruz, and Rochelle Pangilinan

“Beast”
Director: Lawrence Fajardo
Starring: John Arcilla

“Mono No Aware”
Director: BC Amparado
Starring: Juan Karlos Labajo and Perry Dizon

“Multwoh (Patay Na Patay Sa’yo)”
Director: Rodina Singh
Starring: Sassa Gurl and Joao Constancia

“Patay Gutom”
Directors: Carl Papa and Ian Pangilinan
Starring: Khalil Ramos, Ian Pangilinan, Agot Isidro, and Cris Villanueva

“Stuck on You”
Director: Mikko Baldosa
Starring: Xyril Manabat and River Joseph

“Wantawsan”
Director: Joseph Abello
Starring: Joross Gamboa, Rita Daniela, and Zion Cruz

In fairness, winners talaga ang mga pelikulang kalahok sa Puregold CinePanalo. ’Di ba naman, Leselle Kohli, ang very accommodating at very charming na festival organizer at media coordinator.