Advertisers

Advertisers

Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030

0 5

Advertisers

PINALAWIG pa ng RAIN or Shine ang serbisyo ni head coach Yeng Guiao hanggang season 2030 sa Philippine Basketball Association matapos niyang pirmahan ng dagdag na dalawang taong kontrata.

Inanunsyo ng team ang opisyal na pahayag sa kanilang mga social media account Huwebes.

“The journey continues. And it’s not stopping anytime soon. Rain or Shine and Coach Yeng Guiao are going all the way to 2030!” paskil ng team sa social media.

Kadalasang kinikilala ang masiglang mentor para sa muling pagsibol ng Rain or Shine franchise mula nang bumalik siya sa koponan noong Setyembre 2022 matapos mamahala sa NLEX sa loob ng anim na season.

Sa ilalim ni Guiao, nakarating ang Elasto Painters sa semifinals sa lima sa huling anim na konperensya.

Ang seven-time PBA champion na coach ay may natitirang dalawang taon pa sa kanyang kontrata, pero binigyan siya ng pamunuan ng Elasto Painters ng dalawang taong extension, na tinitiyak na pamumunuan ni Guiao ang Elasto Painters hanggang 2030.

Nandoon lahat ang mga may-ari ng Rain or Shine na sina Raymond Yu at Terry Que at ang governor ng team na si Mamerto Mondragon noong pumirma sila ng kontrata.

Pinangunahan ni Guiao ang Rain or Shine sa dalawang titulo sa liga noong 2012 Governors’ Cup at 2016 Commissioner’s Cup.