Advertisers

Advertisers

LOCAL GOV’T OFFICIALS, TONG COLLECTOR , KASUHAN!

0 17

Advertisers

HINDI lamang ang mga congtactors (kongresistang kontratista) ang dapat kasuhan, manapa ay higit ang mga lokal na opisyales na kinukunsinti na pamugaran ang kanilang lokalidad ng mga salot na operator ng illegal vices; mga magnanakaw ng produktong petrolyo o buriki/paihi at operator ng illegal refilling outlet ng Liquefied Petroleum ñGas (LPG) na kilala sa tawag na pasingaw at iba pang ilegal na aktibidad.

PDGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Kasama nilang dapat maghimas ng rehas na bakal sa National Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa ang mga police tong collector na tinaguriang “kapustahan”.

Ang mga alkalde, iba pang opisyal at empleyado ng pamahalaan na mapapatunayan na lumabag sa inamyendahan na illegal gambling law na kilala bilang RA 9287 ay mapapatawan ng hanggang 21 taon na pagkabilanggo, pagmumulta ng Php5M at habangbuhay na diskwalipikasyon na humawak sa anumang posisyon sa pamahalaan.

Kabilang sa maaaring kasuhan kung mapapatunayang may kinalaman sa talamak na operasyon ng ilegal na sugal sa kanilang mga hurisdiksyon ay ang mga alkalde ng Sta. Rosa City at Biñan City sa Laguna dahil sa di masugpo-sugpong puesto pijo o permanenteng sugalan ni alyas Judith sa Brgy. Balibago, Sta. Rosa City at sa Brgy. Sto. Domingo malapit sa Biñan Public Market.

Pasok din sa paglabag sa Sec. 3 RA 9287 ang mga mayor ng Kawit, Alfonso, Magallanes, Maragondon, Naic, Ternate, Indang, Silang, Bailen at mga siyudad ng Dasmariñas, Bacoor at Cavite dahil sa hindi masawata na operasyon ng sakla.

Sa siyudad ni Carmona Mayor Dahlia Loyola ay higit na perwisyo at panganib ang dulot ng sindikato ng paihi/buriki at pasingaw ng Violago Group na kinabibilangan nina alyas Cholo, Goto at Bogs at ng mga kasosyo nitong sina Amang at Aldo.

Lantaran ang nakawan ng petrolyo, pagpapasingaw ng LPG sa Brgy. Bancal ng naturang siyudad, bagama’t nasa ibabaw lamang ng tungki ng ilong ng tanggapan nina Mayor Loyola at Police Chief Lt.Col. Rene Joy Masquiza.

Dapat na tugisin, kasuhan at ipakulong nina PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., CIDG Dir. MGen. Robert Alexander Morico II at Laguna Acting Provincial Dir. Col. Zandro Jay DC Tafalla sina alyas Digoy na kilala din sa alyas Sgt. De Guzman at alyas Jun Milan na kapwa nagpapakilalang sugo ng tanggapan ng CPNP, CIDG at Laguna Provincial Police Office upang mangolekta ng protection money o lingguhang suhol/ intelhencia sa mga nagkalat na ilegalista sa Laguna.

Ang mga “kapustahan” o police tong collector na sina alyas Hero, Maricon, alyas Eric Turoc at Ka Bonnie ay nangongolekta din ng weekly intelhencia sa mga operator ng sakla, paihian, pasingawan, EZ 2, pick 3, loteng at online gambling at iba pang kailegalan sa Cavite gamit ang pangalan ng tanggapan ni PDGen. Nartatez Jr., MGen. Morico II at Cavite Acting Provincial Dir. Col. Ariel Red. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144