Advertisers

Advertisers

Puregold Hakot Relay, dinagsa ng mahigit 4,000 runners sa Cavite; unang 8K Individual Challenge inilunsad

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Umabot sa mahigit 4,000 runners ang dumagsa sa Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite para sa South Luzon leg ng Puregold Hakot Relay, na mas pinasigla ngayong taon sa pamamagitan ng kauna-unahang 8K Individual Challenge.

Naging sentro ng kasiyahan at adrenaline ang Vermosa Sports Hub habang sabay-sabay na hinarap ng mga kalahok ang hamon ng karera, habang sinulit din ang pakikipagkaibigan at mga signature “hakot” moments na bahagi na ng naturang event.

Partikular na tampok ngayong taon ang unang Puregold 8K Individual Challenge, kung saan humigit-kumulang 500 runners ang sumabak sa buong walong kilometro bilang mga solo participant.

Kung sa traditional Hakot Relay ay kinakailangan ang teamwork at strategy, sa bagong 8K challenge ay kanya-kanyang lakas, tiyaga at endurance ang puhunan ng mga runner para marating ang finish line.

Sa Hakot Relay naman, bumuo ng kani-kanilang teams ang mga kalahok at sama-samang tinahak ang race course habang nangongolekta ng grocery items bago makarating sa finish line.

“We wanted to offer runners a fresh and enjoyable way to challenge themselves, with the ‘hakot’ mechanic adding a playful and uniquely Puregold twist to the race,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Puregold Senior Marketing Manager.

“Being part of the running community is meaningful to us, and it is a privilege for Puregold to bring people together for a shared panalo experience,” dagdag niya.

Bago ang karera, nagsagawa muna ng pre-race warm-up ang mga kalahok bago pumuwesto sa starting line. Pagkatapos nito, tinahak nila ang kani-kanilang race course at kailangang matapos sa loob ng itinakdang cut-off time.

Pagdating sa finish line, tinanggap ng mga runners ang kanilang race-day rewards at dumaan sa sampling booths ng mga participating brands. Sinundan ito ng mga stage activities mula sa sponsors at awarding ceremony.

Ang mga sumali sa team Hakot Relay ay umuwi na may Grocery Sling Bag at Finisher’s Grocery Bag.

Pero may espesyal na sorpresa para sa mga nakatapos ng solo 8K Challenge—isang Finisher’s Grocery Cart Wagon, kung saan maaari nilang literal na itulak pauwi ang kanilang nakuhang grocery loot.

“We’re always looking for ways to level up the Hakot Relay and give Filipinos something new to look forward to,” ani Piedad. “This year, this meant introducing our first-ever 8K challenge and bringing the experience to an even bigger scale.”

Sa mahigit 4,000 runners na lumahok bilang teams o solo competitors, lalo pang pinalawak ng South Luzon leg ang Hakot Relay experience habang nanatili ang paboritong reward nito: takbuhin ang finish line at umuwi ring may dalang groceries.

Para sa mga update, maaaring mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok.