Advertisers

Advertisers

VELASCO AT MISIS NASA IBANG BANSA NA! – NBI

0 40

Advertisers

KASALUKUYANG nasa ibang bansa na sina dating House Speaker Lord Allan Velasco at kanyang misis, ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Martes.
Ayon kay Matibag, kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) sa NBI na umalis ng bansa si Velasco patungong Nagoya, Japan noon pang Agosto 30.
Sa isang pahayag, sinabi ng BI na walang umiiral na hold departure order o anumang derogatory alert laban sa da-ting Speaker na maaaring pumigil sa kanyang pag-alis ng bansa.
“The BI cannot disclose further details concerning an individual’s immigration records due to data privacy concerns,” dagdag ng BI.
“Supposed to be babalik po ng September 14, hindi po siya bumalik,” ani Matibag.
Nagtungo, aniya, ang misis ni Velasco kasama ang dalawang indibidwal sa Hong Kong noong Setyembre 24.
“Ang sabi, based sa tanong ng immigration, ay babalik ng September 27 pero wala pa pong rekord ng balik sa nga-yon po,” dagdag niya.
Ang pahayag ni Matibag, kasunod ng pagharap ng da-ting security aide ni Velasco na si dismissed police officer Ro-dulfo Gracioso Jr., sa NBI noong Lunes kaugnay ng alegasyon nitong nag-deliver siya ng mga maletang may lamang pera kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulo Rodrigo Duterte at Davao City Rep. Paolo Duterte, alinsunod sa utos ng dating Speaker.
Nauna nang itinanggi ni Velasco ang akusasyon ni Gracioso, habang sinabi rin ni VP Sara na hindi niya ito kilala at hindi nakatanggap ng pera mula rito.
Sa pagharap ni Gracioso sa NBI, ipinakita niya ang mga larawan nila nina Velasco at Sara sa iba’t ibang okasyon.
(Jocelyn Domenden)