Advertisers
ISINIWALAT ni dismissed Police Corporal Rodulfo Gracioso, Jr. na wala na sa Pilipinas ang dati niyang boss na si former House speaker Lord Allan Velasco, kasama ang misis nitong si Rowena Velasco.
Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag ang paglipad ng mag-asawang Velasco. Hindi sinabi kung saan ang mga ito magtatago este pupunta.
Sa kanyang paglantad kamakailan, sinabi ni Gracioso na naghahatid siya ng male-maleta ng pera kina Vice President Sara Duterte, dating pangulo Rodrigo Duterte, at Davao City 1st District Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte mula 2018 hanggang 2022, sa utos raw ni Velasco.
Si Gracioso ay naging head security ni Velasco.
Kuwento pa ni Gracioso, minsan ay ang misis ng dating kongresista, tinatawag niyang “Ma’am Wen”, ang nagpapahatid ng pera para kay VP Sara—ang pinakamaraming beses raw nahatiran ni Gracioso ng pera, na umaabot raw sa lampas P2 bilyon!
Ang tindi ni Inday!!!
Sa ambush interview sa kanya ng media noong Lunes, Setyembre 28, sinabi ni Gracioso na ipinaalam niya kay Velasco na lalantad siya sa media, pero wala raw itong isinagot. Dedma lang!
Nang tanungin ng media kung may komunikasyon pa si Gracioso sa dating kongresista, sumagot siya na nasa ibang bansa na ang mag-asawang Velasco.
Nauna raw umalis si Velasco, August 30; habang ang misis niya ay sumunod Sept 24.
Todo tanggi, obkors, si VP Sara sa mga ibinunyag ni Gracioso. Hindi n’ya raw ito kilala, at never siyang nadeliberan ng datung! Ganun???
Pero maraming inilabas na larawan si Gracioso na magkasama sila nina Velasco at Sara.
May kumakalat din na picture sa social media na very sweet si Sara na nakadikit kay Gracioso, na kuha nung nangangampanya sila nung 2022.
Sabi ko nga, kung hindi AI ang larawan nila nina Sara at Gracioso, masasabi mong “naging sila ba?”. Hehehe…
Ganito rin nang dinenay ni VP Sara si Ramil Madriaga, ang naging lider niya sa kampanya noong 2022.
Isiniwalat ni Madriaga sa Senate Impeachment Court ang milyon milyong perang dinala niya sa mga “tao” ni VP Sara. Ang nasabing pera, higit kalahating billion, ay bahagi raw ng intel fund na nilustay ng Bise Presidente sa loob lamang ng higit isang linggo.
Si Madriaga ay nakakulong sa Bureau of Correction sa kasong kidnapping na isinampa naman ni Harry Roque, ang dating spokesman ng ama ni Sara, si Digong!
Si Roque ay nagtatago sa Austria dahil sa pagiging wanted sa Pinas sa kasong human trafficking na may kaugnayan sa iligal na POGO sa Pampanga.
Kinakarma ang mga dating opisyal ng mga Duterte dahil narin sa mga pang-aabuso noong nasa kapangyarihan sila.
Ang lahat ay may katapusan. Tandaan!