Advertisers

Advertisers

Nakabitin pa ang pagkansela sa BSKE

0 33

Advertisers

YUNG mga naunsiyami sa pagkakansela sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election sa Nobyembre 2, 2026, aba’y may pag-asa pa kayong winnables na matupad ang inyong pangarap magserbisyo sa barangay.

Oo! Inutusan ng Korte Suprema ang Office of the President, ang Senado, ang House of Representatives, at ang Commission on Elections na magsumite ng “comment” sa petition laban sa pagpaliban sa Barangay at SK Elections sa Nobyembre 2028.

Ang petition na isinampa ng batikang election lawyer na si Romulo Macalintal ay nanawagan sa Korte Suprema na pigilan ang pagpatupad sa Republic Act 12326, na pumigil sa BSKE na nakatakda ng Nob 2 ngayong at gawin sa Nob. 2028.



Ang bagong batas ay nagbigay ng “fixed” na termino sa barangay at SK officials sa limang taon, kungsaan dalawang termino ang sa barangay at isa lang sa SK.

Una nang pinuna ni Macalintal ang pagpasa ng batas “that violates the electorate’s right to vote by postponing the 2026 BSKE under the guise of fixing the officials’ terms of office,” at payagan ang “holdover” sa kanilang posisyon mula sa panibagong tatlong taon.



Paliwanag ni Macalintal, ang tatlong taon na pagpaliban sa BSKE ay “unduly long,” simula sa pag-reset ng Decembre 2025 BSKE sa Nob. 2, 2026, tapos pagpalawig uli sa Nob. 2028.

Sinabi naman ni Comelec Chairman George Garcia na nakahanda silang tumalima kung ano man ang ipag-utos ng Korte Suprema.



Mula nitong Huwebes ay inaabangan na ang paglabas ng Korte Suprema ng Temporrary Restraining Order (TRO) laban sa pagpatupad ng naturang batas.

Subaybayan!

***

Ilang personalidad na ang nagtatag at umalis ng bansa nang matunugang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation at Office of the Ombudsman ang kanilang mga tagong yaman at iba pang isyu ng katiwalian nung hari sila sa nakaraang admin istrasyong Duterte.

Ito’y sina ex-Congressman Zaldy Co, ex-Presidential spokesman Harry Roque, mag-inang Congressman Leandro Leviste at Sen. Loren Legarda, ex-House Speaker Lord Velasco, at Sen. Bato dela Rosa.

Talagang napakaraming katiwalian ang nangyari sa administrasyon ni Rody Duterte.

Mabuti nalang at nag-away itong magka-tandem noong 2022 election na sina Pres. Bongbong Marcos at VP Sara Duterte. Kung hindi ay hindi mabubunyag ang bilyon bilyong public funds na ibinulsa, nilustay ng pamilya Duterte at ng kanilang mga “bata”.

At mabuti nalang at nakonsensiya ang ilang “bagmen” nila at nagsalita tungkol sa mga pag-deliver ng male-maletang kuwarta sa mga opisyal ni Duterte sa mga anak mismo ng dating pangulo.

Hindi ko ibinoto itong si Marcos. Pero bilib ako sa kanyang mga ginagawa ngayon na pagpakulong sa mga tulisan na mga naging opisyal ni Duterte. Go, PBBM!