Advertisers

Advertisers

NASA DUGO ANG KAHAMBUGAN

0 35

Advertisers

Hindi nakitaan ng kababaang loob ang alkalde ng isang lunsod sa kaTimugan ng humarap sa usapin ng pagpapasipa sa abalang pangulo. Walang bakas ng pagkabahala ng umupo bilang saksi sa usapin ng pagpapasipa sa kapatid bagkus silip ang kabastusan mula kilos hanggang pananalita. Maselan ang pagdinig na dinaluhan ng kapatid ni Inday Salakay dahil sa nakakairitang kilos ang namalas ng nasilip na pandadaliri ng alkaldeng saksi sa nagtatanong na taga-usig. Isang salang pag-uugali ng isang halal na opisyal na ‘di masikmura ang nagawa o ginawa na namalas sa media’t social media. Hindi inaalis ang pagkiling higit kapatid ang nakasalang sa usapin ngunit bilang lingkod bayan ang magpakita ng tamang pag-uugali o asal sa harap ng nakakaraming Pinoy na pinanonood na usaping bayan, inaasahan ang maayos na pag-uugali o asal.

Sa totoo lang, maselan ang usaping nasa harap ng bayan na nagpataob sa mga tele-serye sa dami ng sumusubaybay. Sa dami ng mga nakatutok sa tele-serye sa hukom-senado, ang inaasahan ang magandang asal sa lahat ng kalahok sa lahat ng antas, taga-usig, tagapagtangol at sa mga hukom-senador na magpapasya sa payak na kadahilanan, nagmamasid ang bayan higit ang mga Kabataan. Hindi karaniwan ang napapanood na tele-serye sa senado na silip ang kasikatan ng mga kalahok sa usapin at maging ang panauhin na magbibigay kulay sa mga eksena na patotoo sa mga kaganapan na pandarambong. Ang kagandahang asal ang inaasahan higit sa mga panauhin na magpapawalang saysay o magpapatotoo sa akusasyon sa salang nagawa ng opisyal na sangkot sa usapin. Sa takbo ng tele-serye, higit na kinaiinisan ni Mang Juan ang alkalde ng kaTimugan na dinaig si Max Roco Diaz Montalvan hindi dahil sa kapangitan, ang kabastusang pinaggagawa habang nakasalang bilang saksi o panauhin sa pagpapasipa sa abalang pangulo. Napailing si Mang Juan ng masilip ang salang kilos higit ng makita ang pandadaliri sa taga-usig na ‘di natinag sa panunuwag ng alkalde.

Sa totoo pa rin, ‘di inaalis na magpakita ng pagkadismaya sa kaganapan sa hukom-senado ang mga nagmamasid sa loob ng hukuman, sa mga tuwirang may partisipasyon sa pagdinig. Walang puwang sa mga nagmamasid ang salang pagpikit ng mata ng ilang kinatawan sa kabilang kapulungan na tila nairita ang PO. Sala ang kilos ng kinatawan at sapat ang utos na PO pina-gising ang atras abanteng paghihilik ng nanonood na kinatawan. Hindi nakitaan ng malisya ang pagpapagising sa kinatawan ngunit higit na inaasahan ang pagsabihan ang panauhin na nakaupo sa silya ng saksi na magpakita ng ‘di kagandahang asal sa kilos at pananalita. Silip na ‘di ibig ang mga tanong ngunit ‘di tama ang bastos upang bigyan diin ang punto na ipinaabot. Walang kapalit ang kababaang loob higit sa totoong pagpapahayag ng kaalaman o sagot sa tanong na ibinabato ng abogado ng taga-usig.



Sa pagmamasid, hindi tanggap ng ipinapakitang kahalayan ng alkalde mula sa kaTimugan at pawang palabas ang gawang pagmamatapang sa dami ng taga-pagbantay. Hindi mawala sa isip ang tinuran ng ama sa nakaraang halalan ng ito’y humahabol sa panguluhan na handang mag “jetski” tungo sa isang isla na malapit sa Tsina. At nang magwagi sa panguluhan, nagmalaki na bakit naniwala sa sinabi gayung pahayag laway ang banggit. Sa totoo lang, panlililo ang gawa ng mag-aama sa pagpapaniwala sa mga mangmang na tagasunod. Walang laman ang mga pahayag at daig ang mga tele-serye sa mga banggit na kagalingang’ ‘ di gagawin. Ang masakit, tulad ng sa una, napapaniwala ang nakakaraming bobotante na kinakapital ng kaTimugan. Katimugan ‘di lang ng pamilya maging ang mga balalay na kumita o kumikita sa pwestong natanganan.

Ang panlililong gawa sa nakaraan ng amang si Never Come Back ang gawa ng mga anak sa kasalukuyan at gagawin sa kinabukasan. Walang puknat at gamay na gamay ng mga anak ang gawa ng ama na panlililo sa mga bulag o mangmang na tagasunod. Ganap na nasa dugo ng mga anak ang salang gawa at kahambugan ng ama na sandata sa panlililo sa mga bobotante. Sa ipinasilip na kahambugan ng alkalde sa dinaluhang pagdinig, umaasa na higit na pa-iigtingin ang kilos sa kadahilanang nabigyan pansin ng Pinoy higit ang mga tumatangkilik sa media’t social media na nagbigay ng pag-ayon sa salang gawa ni teBats. Walang dating ang negatibong pasaring sa alkalde dahil ang dami ng tumatangkilik ang silip. Tulad ng mga tagasunod na mangmang, ang bilang ang minamasdan at ‘di ang mga komentaryong laban. O’ sadyang ang katigasan ng loob ang ipinapakita maging sala ang galaw sa mata ng tao higit ng Kabataan.



Sa pagmamasid, ang kabruskuhan sa tindig na ibig iparating ay taliwas sa katotohanan sa dami bayarang balalay na pasanin ng bayan. Hindi katangi-tangi ang kilos ng “macho o brusko” sa tikas ng pangangatawan higit sa kilos na kabastusan na ipinakita sa ginawang pagdinig. Hindi mahirap mabatid ang matikas na lalaki higit silip ang mga katauhan. Nariyan si Sen. Lito Lapid na batid ang kababaang loob ngunit ‘di nagpapahuli sa kagalingan asal. At nariyan si dating Sen. Trillanes na silip ang katapangan ngunit ‘di nakitaan ng kabastusan sa kilos at pananalita. Sa totoo lang, ang kilos na ipinamamalas ng kaTimugan na kahambugan ang nakita kay Never Come Back sa nakaraan.

Sa totoo lang, sala ang pagtanggap ng mga bobotanteng Pinoy sa pekeng katapangan ni Never Come Back na ngayo’t sandata ng mga anak sa panibagong panlililo. Silip ang kawalan ng pagpapakumbaba sa pag-uugali ang mga anak dahil sa natamong kagalingan. Ang masakit, lumobo ang kasakiman, kabastusan at ang naging mapagmataas maging sa mga tanggapan na minsang kinabilangan. O’ sadyang karaniwang galawan sa pamilya ang kabastusang ipinamamalas sa madla ng mga magkakapatid na namana sa ama. Sa babasahin sa nakaraan, ‘di mawala sa isip, ang malapot o malabnaw na dugo ng magulang, umasa na ito ang dadaloy sa ugat ng mga anak higit sala ang pagpapalaki. At ganap na patunay na ang bastos na ama umasang bastos ang anak mapa-babae o lalaki. Umasa na ang galaw na nakita o makikita sa taga-pagmana’y di iba sa alkalde na saksi sa pagpapasipa sa kapatid na pareho ang tindig sa kasalukuyan.



Maraming salamat po!!!!