Advertisers

Advertisers

POSITIBONG PAGBABAGO SA BOC, NAGING POSIBLE SA ILALIM NI COMM. NEPOMUCENO

0 38

Advertisers

Hinihiling ni Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang tulong ng mga taga-media dahil para sa kanya ay ‘gyera’ ang pinasok niyang trabaho.

Nang mag-guest ito sa buwanang ‘Balitaan’ news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant, sinabi ni Nepomuceno na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay may gusto na pumalit sa puwesto niya.

Sa totoo lang hindi alam ng marami pero dalawang beses inialok kay Nepomuceno ang pagiging BOC Commissioner bago siya nagdesisyon at ikinatuwa naman niya na pinayagan siyang magdala ng mga sarili niyang tauhan na kanyang pinagkakatiwalaan nang lubos.



In fairness daw sa ibang Commissioners, hindi sila nabigyan ng ganung klaseng opsyon.

Dalawa lang umano ang ibinilin sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ‘yan ay ang tamang koleksyon at ‘wag masayang sa kalokohan. tamang pagpapatakbo ng ahensiya.



Nang siya ay manumpa sa tungkulin, tinandaan ni Nepomuceno ang katagang ‘good governance’ at ito umano ang nagsisilbi niyang gabay sa araw-araw.

Bilang nagco-cover ng BOC, nakita ko rin ang mga repormang dinala ni Nepomuceno sa bureau.



Una na diyan ang laban sa katiwalian, dahil sa higpit ni Nepomuceno pagdating sa mga kalokohan.

Nakita ng mga empleyado na matino ang kanilang hepe kaya siyempre, obligado silang umayos ng kilos kundi ay may paglalagyan sila.

Ibang klase din ang dami ng mga iligal na nahuhuli na umabot na sa halagang 84 billion, lalo na pagdating sa droga.

Sinabayan ang mga ‘yan ng galing ng BOC pagdating sa koleksyon, na umabot ng P664 billion plus at kumpiyansa umano si Nepomuceno na makukuha ng bureau ang P1.3 trillion target collection nito para sa taong ito.

Sa totoo lang, bago maupo si Nepomuceno ay talaga namang hindi maganda ang reputasyon ng BOC. Lagi din itong nasa listahan ng mga pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno.

Dati, kapag tinanong ang taga-BOC kung saan siya nagta-trabaho, ang isinasagot ng tauhan ay taga-Department of Finance. Under kasi ng DOF ang BOC.

Ngayon, ikinatutuwa daw ni Nepomuceno na ipinagmamalaki na ng mga taga-BOC ang kanilang tanggapan.

Proud at taas-noo na silang magsuot ng ID dahil marangal ang kanilang kinabibilangang ahensiya.

‘Yan lang naman umano ang isa sa mga gusto ni Nepomuceno na mangyari. Ang ikarangal ng kanyang mga tauhan na sila ay taga-BOC.

Ipinagmamalaki umano ni Nepomuceno na nagawa nilang patunayan na pupuwede pang baguhin ang imahe ng BOC.

Totoo ‘yan. Nagawa ni Nepomuceno ang akala nating lahat ay imposible.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.