Advertisers

Advertisers

MISFIT SARA, NASUKOL SA DAMI NG KATIBAYAN

0 30

Advertisers

Mistulang asong nasukol si Misfit Sara sa laksa-laksang dokumento na iniharap laban sa kanya ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pagdinig ng Senate Impeachment Court (SIC). Hindi rin maaaring isantabi ang testimonya ni dating senador Sonny Trillanes sa pulong balitaan na ipinatawag niy noong nakaraang Biyernes.

Nakakalulang halaga ang dumaan sa mga bank account ng mag-asawang Misfit Sara at Mans Carpio. Abot sa bilyones na piso at walang sapat na paliwanag kung bakit nagkaroon sila ng ganito kalaking halaga ng salapi. Ayon kay Ronel Buenaventura, executive director ng AMLC, abot sa kabuuang P4.4 bilyon ang mga kahina-hinalang transakyon ang naitala ng AMLC sa mga bank account ng mag-asawa.

Nang tanungin ni Bam Aquino, isa sa mga hukom-senador ng SIC, pinatotohanan niya na P4.4 bilyon ang dumaan sa kanilang mga bank account. Dagdag ni Buenaventura: “Based on our tabulation, Your Honor, there are billions. At least as indicated po, there are transactions that are billions po, ’yung 4.4 [billion pesos] po, at saka ’yung millions po doon sa other entities na indicated po.”



Parang namalik-mata si Aquino sa laki ng tagong yaman ng mag-asawa, kaya hiningi niya kay Buenaventura na ulitin muli ang halaga. “Tama po. Nagka-transaction po,” ani Buenaventura. Nang tanungin kung sigurado siya sa halaga, sumagot si Buenaventura: “Yes, Your Honor.”

Hindi dito nagtatapos ang testimonya ni Buenaventura na pinakamatagal at pinakamahaba sa paglilitis dahil tumagal ng isa at kalahating araw. Ibinulgar ni Buenaventura na may tatlong transaksyon ang Cale88, isang kompanya na pag-aari ni Mans Carpio, na kahi-hinala dahil mga traksyon ito sa China na walang batayan na legal, pangkalakalan, at pangkabuhayan.



Ani Buenaventura sa redirect examination ni Mae Divinagracia, pribadong tagausig: “The reason indicated is there is no underlying legal or trade obligation, purpose or economic justification.” Tungkol ito sa una transaksyon. Ito rin ang paliwanag sa ikalawa at ikatlo.

Muling binisita ng prosekusyon ang mga Suspicious Transaction reports (STRs). Ipinakita ng mga record ng transaksyon na nasa China ang mga counterparties sa likod na pagpasok na malaking halaga sa Cale88. Kasama bilang address Beijing, Zhejiang and Changji. Ipinakita ng record ng AMLC recordsna tumanggap ang Cale88 ng P319.33 milyon ng inward remittances mula China at Hong Kong.



Sa kabuuan, abot P1.254 bilyon ang ibinigay ng China sa Cale88 mula 2022 hanggang 2025. Batay ito sa mga ulat ng nakalkal ng AMLC. Ang nakakapagtaka ay mayroon lang dalawang empleyado ang Cale88. Itinuturing ito na isang himala.

Nahaharap si Mans Carpio, asawa ni Misfit Sara, sa mga alegasyon na nagkamal siya ng hindi maipaliwanag na yaman. Galing kay Risa Hontiveros, hukom-senador, ang redirect upang ipakita ang kaugnayan ng pumasok na pera sa pagitan ng Cale88 at mga Chinese enterprises.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, nilinaw ni Trillanes na kailangan tingnan kung hanggang saan nakapasok ang China sa lipunang Filipino. Binanggit niya na isang malaking pangamba sa pambansang seguridad ang China dahil pinasok nito ang bansa.

Hindi maaaring ipagwalang bahala ang Peking dahil hindi lang sa kompanya ng mag-asawang Misfit at Mans nagpasok ng pera ang China. My ipinasok na P150 milyon ang Peking sa Tapang at Malasakit Foundation ni Misfit Sara.

Para kay dating Kin. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, ipinasok ang halaga bilang bahagi ng destabilization campaign ni Misfit Sara laban sa administrasyon ni BBM. Plano nila na ibagsak ang gobyerno ni BBM upang si Misfit ang tuluyang humalili, ani Barbers.

Balik tayo kay Buenaventura. Hinihingi ng batas na iulat ng bangko ang mga kahina-hinalang transakyon sa bangko at iba pag institusyon ng pananalapi. Nilinaw ito ni Buenaventura bilang sagot sa salita ni Mark Vinluan, abogado ni Misfit, na hinihikayat lang ang mga bangko na mag-ulat kahit walang natuklasan.

Hindi nagustuhan ni Divinagracia ang bagsak at tono ng salita ni Vinluan at sinabi: “Covered institutions are required to report suspicious transactions. They are not just encouraged to report suspicious transactions.”

Kinumpirma ni Buenaventura ang salitang “required” batay sa salita ng Anti-Money Laundering Act (AMLAC) at mga implementing rules. “The law used the word ‘required,’ Your Honor. So they’re required to report suspicious transactions, Your Honor,” ani Buenaventura.

“The law did not mention any threshold, Your Honor. The law says regardless of the amount,” ani Buenaventura. “A suspicious transaction could be higher than the threshold or it could be lower than the threshold, as long as the presence of suspicious circumstances are there, Your Honor.”

***

MGA PILING SALITA: “Telling the truth is not bravery; it is a duty.” – Percy Lapid, truthteller, radio commentator

 

“Kung totoo ang mga sinasabi ng pulitiko, matagal na sana tayong maunlad, mayaman, mapayapa at matiwasay na bansa. Hindi, eh.” – PL, netizen, kritiko