Advertisers

Advertisers

PSSLAI Digital: Partner ni Bok inilunsad na para sa buong PNP at BFP!

0 32

Advertisers

Naging makasaysayan ang ika-30 ng Setyembre 2026 para sa Public Safety Savings and Loan Association Inc (PSSLAI), ang kaisaisang pribadong digital financial service na inilaan ang serbisyo para sa kapakanan ng mga unipormadong tauhan ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na halos daang libo na ang kasapi sa asosyasyon na itinatag sa loob ng Camp Crame nuong July 2003.



Sa pamumuno ni Chairman and Chief Executive Officer Atty. Lucas M. Managuelod, na dating Director ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, ang PSSLAI sa ngayon ay may naitala ng 97 B pesos worth of assets; at sa kagustuhan niyang lingunin ang suporta at pagtangkilik ng mga police at firemen na naging sanhi ng pagunlad ng PSSLAI bilang kanilang financial service provider, minabuti ni Chairman “Lou” Managuelod naibalik sa kanila ang mabilis at maalwang serbisyo sa pagpo-proseso ng kanilang mga transaksyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng PSSLAI Digital: Partner ni Bok.

Ipinaliwanag ni Chairman Lou na ang bagong digital app na ito na all-in-one card (maaring e-wallet na rin tulad ng GCash etc.. na ganap nang gamit sa mga shopping at cash transaction) ay inaprubahan ng Bangko Sentral ni Pilipinas ilang araw bago inilunsad ang “another first” by PSSLAI — the other was the Green Building at EDSA.

Ayon kay Chairman Lou ang kabutihan ng PSSLAI Digital App na ito ay eksklusibo ito sa mga tauhan ng PNP at BFP at ng kanilang pamilya. Ito ang magsisilbing Digital Identity Verification ng isang miyembro na nagpapakilala kung sino siya sa pamamagitan ng kanyang facial recognition at fingerprints (o biometrics). Hindi ito makokopya ng iba — ang kung mawala man, hindi rin magagalit ng iba dahil “no two people have the same fingerprints”, giit ni Chairman Lou.

Isa pa ring kabutihan ng Digital app na ito na tinaguriang “Partner ni BOK” ay protektado ang Capital Contribution mo, ang savings mo , ang loan eligibility mo at ang naipundar mo sa haba ng isinersibisyo mo sa PNP at sa BFP. At ang pinakamahalaga sa lahat ay hindi ito gagambala sa trabaho ng isang miyembro… na alam naman ng lahat ay mahalaga sa uniformed personnel ang bawat oras dahil sa urgency of the service — dahil mabilis na transaksyon, less paperworks, short waiting time at maari paring sa online transaksyon.

At sa mga satellite offices ng PSSLAI buong kapuluan, inamuki ni Chairman Lou na paigtingin ang pagpaparehistro o pagpapa-enroll ng mga dating miyembro na at gayon na rin ang anyayahan ang mga bagong miyembro nang sa gayon ay maluwag silang makagagalaw sa trabaho nang hindi nasasakripisoyo ang kanilang designated public safety services samantalang nakaseseuguro silang ligtas ang kanilang savings account sa PSSLAI Digital: Partner ni Bok !

Inaasahan ng pamunuan ng PSSLAI na sa katapusan ng first quarter ng 2027 ay magpu-full blast na ang operation ng digital app na siyang kaunaunahan sa kapulungan ng savings and loan association sa Pilipinas. Kaya’t mga Bok – halina! Let’s unburden our load and lessen the risk of carrying cash…ka-Partner natin si Bok!