ILEGAL NA ‘ONLINE SABONG’ SA ORIENTAL MINDORO, SINALAKAY, PERO ANG MGA LANTAD NA SUGAL LUPA NAMAMAYAGPAG
Advertisers
Apat na katao ang nalambat sa operasyon ng pulisya laban sa umano’y ilegal na online sabong sa Magilas Cockpit Arena, Brgy. San Isidro, Victoria, Oriental Mindoro noong Oktubre 8, ng gabi kasunod ng sumbong mula sa isang concerned citizen.
Kaya agad na ikinasa ng Victoria Municipal Police Station (MPS), katuwang ang RACU MIMAROPA, CIDG OrMin PFU at 1st PMFC, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na indibidwal.
Nadiskubre sa lugar ang mga computer set, cellphone set, cellphone, router, thermal receipts at iba pang kagamitang pinaniniwalaang ginamit sa online
Kaugnay nito, pansamantalang sinuspinde ang mga aktibidad ng cockfighting sa buong bayan ng Victoria habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naaresto habang inihahanda ang kaukulang kaso kaugnay ng Presidential Decree No. 449 o Cockfighting Law of 1974, at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon kay Oriental Mindoro Provincial Director PCOL Efraim A. Camara, na mahalaga ang pakikipagtulungan ng publiko sa mga kahina-hinalang aktibidad upang makatulong sa maagap na pagtugon ng kapulisan.
Samantala, nagpasaring naman ang ilang netizen sa social media kaugnay sa nabunyag na illegal na online sabong na ni raid ng kapulisan ngunit ang mga lantad umanong sugal na color games at drop ball baraha sa loob ng malaking peryahan sa Victoria ay exempted umano sa huli.
Gaano ito katotoo Col Camara Sir?
Hindi lang sa bayan mismo ng Victoria lantad at garapalan ang operasyon ng pergalan o perya-sugalan tulad ng ‘color games at drop ball baraha’ kundi maging sa Barcenaga, San Agustin at Balansig sa Naujan, Comunal at Canubing sa Calapan, kung saan nakalatag na din sa Camilmil ang hindi bababa sa 10-mesa na drop ball baraha at color games maging sa bayan ng Roxas, Pola, Bulalacao, Mansalay, Gloria, Pinamalayan, Bongabong, Bansud, Socorro, Baco, San Teodoro, at Puerto Galera.
Mahigpit ang mandato ng National Police Commission (NAPOLCOM) laban sa illegal na sugal sa pagpapatupad ng “zero tolerance” na polisiya kung saan obligasyon ng Philippine National Police (PNP) na sugpuin ang anumang anyo ng sugal na walang lisensya o permiso tulad ng jueteng, video karera, tupada, online gambling at mga sugal lupa tulad ng “pulat-puti, baklay, color games, at drop ball baraha” na ang front ay tradisyunal na peryahan na pulos sugal.
Ayon sa reklamo ng mga taga Oriental Mindoro mistulang balewala ang Memorandum Circulars (MC 2002-005 at MC 2003-001) na ipinatutupad ng NAPOLCOM alinsunod sa doktrina ng Command Responsibility na ang mga hepe ng pulisya, provincial directors at regional directors ay papatawan ng administratibo at “Serious Neglect of Duty” kung sila ay mabibigo o tumangging sugpuin ang illegal na sugal sa kanilang nasasakupan.
Batay sa “NAPOLCOM mandate” lahat ng PNP units ay paigtingin ang kampanya kontra illegal gambling subalit balewala umano ito sa nasabing nasabing probinsya.
Sa puntong ito malaking hamon kay NAPOLCOM Chairperson/Commissioner Rafael Vicente Calinisan at PNP Chief Jose Melencio Nartatez ang hindi pagtalima ng mga police officials na nakakasakop sa Oriental Mindoro laban sa illegal na sugal na protektado ng ilang maimpluwensiyang pulitiko at ilang mataas na opisyal ng Camp Efigenio Navarro o Police Regional Office MIMAROPA.
Subaybayan natin!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com