Advertisers

Advertisers

Arraignment ni VP Sara sa grave threats ipinagpaliban uli

0 29

Advertisers

IPINAGPALIBAN ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 nitong Bi-yernes, Oktubre 9, ang arraignment ni Vice President Sara Duterte para sa rekla-mong ‘grave threats’.
“Minabuti nga ng Judge na huwag munang ituloy ang arraignment today,” sinabi ng legal counsel ni Duterte na si Atty. Paul Lawrence Lim.
Ito na ang ikalawang postponement ng arraignment na orihinal na itinakda ng Setyembre 11.
Tumanggi ibahagi ng abogado ni Duterte ang bagong iskedyul dahil nais niyang sa korte na o sa prosekusyon manggaling ang impormasyon.
Ani Lim, nagdesisyon ang Presiding Judge na pag-aralan muna ang ‘pending motion for partial reconsideration ad cautelam’ ni Duterte sa RTC ma-ging ang ‘petition for certiorari’ sa Korte Suprema.
Aniya, layon ng motion for partial reconsideration na kumbinsihin ang presiding judge na baliktarin ang bahagi ng naunang kautusan na tumatanggi sa mosyon ng depensa para sa inhibition ng judge mula sa kaso.
Sa naunang hearing, tinanggihan ng judge ang motion for inhibition ngunit pinagbigyan ang depensa sa hiling i-defer ang arraignment.
Humiling din ang kampo ni Duterte sa Korte Suprema mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) kaugnay sa kaso.
Matatandaan noong Agosto 11 ay naghain ang Department of Justice (DOJ) ng three counts ng reklamong grave threat kaugnay ng mga sinabi ni Duterte sa online press conference noong 2024, kungsaan binantaan niya ang buhay nina Pangulo Bongbong Marcos, Jr., First Lady Liza, at noo’y House Speaker Martin Romualdez.