Impeachment trial ni VP Duterte papasok na sa krusyal na yugto; Prosecution tatapusin na ang ebidensiya
Advertisers
INAASAHANG tatapusin na ng House prosecution ngayong linggo ang paglalahad ng mga ebidensiya laban kay Vice President Sara Duterte, bago naman iharap ng depensa ang kanilang panig sa impeachment trial sa Senado.
Sinabi ni lead prosecutor Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, si financial expert Atty. Alexander Cabrera na ang huling saksi ng prosecution sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman.
Sa pagsusuri ni Cabrera, tinatayang P817.87 milyon ang umano’y hindi naideklarang yaman at kita nina Duterte at asawang si Manases “Mans” Carpio mula 2022 hanggang 2025. Kabilang sa sinuri ang mga rekord ng bangko, tax returns, SALN at dokumento ng mga kumpanyang may kaugnayan sa mag-asawa.
Magpapatuloy ang paglilitis sa Lunes, Oktubre 12, para sa pagtatanong ng depensa kay Cabrera at mga tanong ng mga senador na nagsisilbing hukom.
Nakumpleto na ng prosecution ang paglalahad ng ebidensiya sa Articles I at IV, na tumutukoy sa umano’y maling paggamit ng confidential funds at grave threats. Binawi naman nito ang Article III na may kaugnayan sa alegasyon ng bribery.
Matapos ang pagtatanong kay Cabrera, hihingi ang prosecution ng gabay sa Senado tungkol sa pormal na paghahain ng mga dokumento bilang ebidensiya at sa posibleng pagharap ng karagdagang saksi.
Ang mga alegasyon laban kay Duterte ay kailangan pang suriin ng depensa at timbangin ng Senado bilang impeachment court.
Kinumpirma rin ni Luistro, na pormal na nilang i-withdraw ang Article III. bribery case laban kay VP Sara.