Advertisers

Advertisers

WALANG KAMATAYANG IMPEACHMENT TRIAL

0 33

Advertisers

Tila yata wala ng katapusan at walang KAMATAYANG IMPEACHMENT trial ang hanggang sa ngayon ay nakaamba laban Kay VP SARA Duterte.

Hanggang sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang bali-taktakan sa impeachment court ng walang sustansiyang kaakibat.

Kanya-kanyang interpretation at presentacion ang prosecution at ang depense counsel.



Puro na lang anila eskrimahan ng laway ang dalawang panig na wala namang natutumbok sa pinaglalabanan.

Mantakin niyong ilan buwan na rin ang lumipas ngunit ni wala man hanging na para bang umiikot lang sa puno ng kamatis ang usapin.



Malayong-malayo anila ang impeachment court noong araw na humawak sa impeachment trial nina dating Pangulong Erap Estrada at DPGMA.

Sa mga naka-raang impeachment trial, napakabilis ng proseso at puro tumbok ang mga tanungan at sagutan kung saan nasukol agad ang nasasakdal.



May resolusyon agad na ipinataw sa mga akusado ng wala ng masyadong naging paikutan, tapis agad ang boxing.

Di natin alam kung sadyang matikas ang mga senator judges noong araw kung iku-kumpara sa mga senator judges ngayon.

Ang kinakatakot ng marami ay baka anila abutin pa hanggang 2028 Presidential election ang impeachment trial na ito na hindi naresolba.