Advertisers

Advertisers

Alex Eala bumaba sa No.19 sa WTA rankings

0 34

Advertisers

BUMABA ng isang puwesto ang Filipino tennis sensation na si Alexandra “Alex” Eala sa No. 19 sa pinakahuling opisyal na ranggo ng Women’s Tennis Association (WTA) nitong Lunes.

Mula sa kanyang pinakamataas na ranggo sa karera na No. 18, may 2,241 puntos si Eala batay sa kanyang pina-kabagong pwesto sa leaderboard.

Ang pag-akyat ni Belgianong si Elise Mertens mula No. 19 papuntang 14 na may 2,540 puntos ang naging dahilan ng bahagyang pagbaba ni Eala.



Si Eala ay unang nakamit ang ranggong No. 18 na siya ring pinakamataas sa mga Southeast Asian sa kasaysayan ng WTA Tour noong Agosto 24.

Ang 21-taong-gulang ay nalampasan ang mga dating bituin mula sa Southeast Asia na sina Indonesian Yayuk Basuki at Thai Tamarine Tanasugarn na parehong umabot sa No. 19.



Naabot ni Basuki ang No. 19 noong Oktubre 1997 habang nakamit ito ni Tanasugarn noong Mayo 2002.

Naabot ni Eala ang ranggong No. 18 matapos ang pagtatapos sa ika-apat na round sa Canadian Open at kampanya sa ikatlong round sa Cincinnati Open.



Nananatili sa tuktok ng WTA leaderboard si Elena Rybakina (9,696) kasunod nina Aryna Sabalenka (7,550) at bagong No. 3 Mirra Andreeva (6,371).

Umangat si Andreeva mula No. 5 patungong No. 3 matapos maging runner-up sa China Open.

Si Jessica Pegula (6,225) at Coco Gauff (5,974) ang pumuno sa top five.