Advertisers

Advertisers

Ex-chief of staff ni Stella Quimbo dahilan ng pagsibak kay DICT head Henry Aguda

0 25

Advertisers

DATING chief of staff ni dating Marikina 2nd District na si Stella Quimbo ang itinuturo umanong dahilan kung bakit inalis sa puwesto si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda.

Ayon sa ulat, si dating Undersecretary Christina Faye Condez De Sagon, na dating tauhan ni Quimbo at dating chief of staff ni Aguda, ay nadawit sa ilang paglabag sa bidding rules na nagresulta sa kanyang pagkatanggal noong Agosto 2026.

Kinumpirma naman ni Pangulong Marcos na tinanggap niya ang pagbibitiw ni Aguda.



Batay sa mga naunang ulat, inireklamo ng ilang beteranong empleyado ng DICT sa noo’y Senate President Tito Sotto si De Sagon ng bid rigging sa pagbuo ng isang hindi nagamit na data center gamit ang mga dummy entity at budget insertions upang masiguro ang pagkuha ng kontrata.

Batay sa liham ng DICT employees kay Sotto, kasama ni De Sagon sa bid rigging si Region 1 Director June Vincent Manuel “Direk Wikz” S. Gaudan.



Si Gaudan ay konektado sa Lancaster Technology and Development Philippines, ang supplier na sangkot sa umano’y maanomalyang P2.4-bilyong laptop deal ng Department of Education tatlong taon na ang nakararaan.

Iginiit ng mga empleyado na nagsabwatan sina De Sagon at Gaudan upang manipulahin ang co-location facility para sa isang data center na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamit.



Tinatakot din umano ni De Sagon ang mga empleyado ng DICT gamit ang pangalan ni Aguda, at binago pa umano niya ang terms of reference upang paboran ang ilang bidder.

Ayon sa kanila, pinilit ni De Sagon ang ang Bids and Awards Committee (BAC), Technical Working Group (TWG), BAC Secretariat, at ang head of the procuring entity na payagang makasali ang kanyang pinapaborang bidder, kahit ito ay nadisqualify na.

Bukod dito, sinasabing tumanggap si De Sagon ng advance payment mula sa mga supplier na may kinalaman sa eGovernment (eGov) project at National Government Data Center (NGDC) project.

Kabilang si De Sagon sa tinatawag na Angara 5, isang grupo ng mga opisyal na umano’y konektado sa yumaong Senador Edgardo Angara at sangkot sa pagtanggap ng kickbacks mula sa mga budget insertion.

Nagtrabaho rin si De Sagon bilang chief of staff ni Quimbo, na tumayong kinatawan ng ika-2 Distrito ng Marikina mula 2019 hanggang 2025. Tumakbo siya bilang Mayor ng Marikina City noong 2025 ngunit natalo.

Naging vice chairperson din si Quimbo ng Committee on Appropriations at humalili bilang chairperson nito matapos magbitiw si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Kabilang din si Quimbo sa small committee kung saan umano nagkaroon ng ilang kontrobersyal na insertions sa 2025 national budget.