Advertisers

Advertisers

MATIBAG KAY VP SARA: MAY LEGAL NA REMEDYO KUNG MAY NILABAG ANG NBI

0 27

Advertisers

Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na ang bureau ay kumikilos alinsunod sa kanyang mandato na imbestigahan ang katiwalian sa pamahalaan, ayon sa Republic Act No. 10867 at saklaw umano ng mandatong ito ang mga paglabag sa mga batas na nag-aatas sa mga opisyal ng pamahalaan na tapat na ideklara ang kanilang mga ari-arian.

Aniya, ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ay hindi isang pormalidad lamang. Ito ay obligasyong itinakda ng Saligang Batas. Sa hurisprudensya, ang maling deklarasyon sa SALN ay naging batayan upang managot ang mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Matibag, “Ang aming imbestigasyon ay nakabatay sa mismong deklarasyon sa SALN ng Pangalawang Pangulo at sa mga titulo ng lupa na nakatala sa Land Registration Authority. Kabilang sa mga titulong sinusuri ng Kawanihan ang sumusunod na Transfer Certificates of Title (TCT): TCT Nos. T-434711, T-434712, 146-2019000834, 146-2019000835, 142-2017002091, 142-2017002092, 142-2019012541, 142-2019012542, 142-2019012545, 146-2015013825, 010-2013003745, 146-2022003644, 146-2024005668, 146-2016000617, 142-2019013134, T-440004, 146-2023010738, 146-2024010775, 146-2014073197, T-458529, T-458530, at 146-2011004407.”



“Hindi makikipagtalo ang NBI sa media hinggil sa usaping ito. Ang aming imbestigasyon ay nakabatay sa mga opisyal na dokumento at ebidensiya, at ang mga ito ang magsasalita para sa ahensya,” ani Matibag.

Isusumite umano ng NBI ang mga natuklasan nito sa Tanggapan ng Ombudsman at sa iba pang kinauukulang awtoridad, alinsunod sa kani-kanilang hurisdiksyon at sa mga itinakdang proseso ng batas.



“Kung naniniwala ang Pangalawang Pangulo na may paglabag sa batas ang alinman sa aming mga hakbang sa imbestigasyon, may mga legal na remedyo siyang maaaring gamitin. Bilang isang abogado, batid niya ang mga remedyo at prosesong nakalaan sa ilalim ng batas,” dagdag pa ni Matibag. (JERRY S. TAN)