Advertisers

Advertisers

Bumabaha ang iligal na droga

0 40

Advertisers

NAKAKAALARMA na itong mga balita tungkol sa pagbaha ng iligal na droga sa bansa.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nitong nakalipas na ilang buwan lang ay umaabot na sa P11 billion ng shipment ng shabu ang nasabat, kabilang na rito ang nasa 1.7 toneladang naharang sa Laos at Thailand na biyaheng Pilipinas nitong nakaraang linggo.

Say ng PDEA ang nasabat na droga sa barko sa Thailand ay dalawang linggo nang nai-report ng intelligence sa kanila. Its good na nahuli agad ito ng Thai authorities.



Ang sa Laos, na nasamsam sa eroplano sa airport, ay isang taga-Marawi City sa Mindanao ang courier. Miembro daw ito ng Davao drug syndicate, si Dibarosan Fajad.

Kasalukuyan pang masusing iniimbestigahan ang nasabat na drogang ito sa Laos.



Kung hindi nasabat ang napakalaking bultong ito ng shabu, malamang maraming Pinoy ang magiging zombie.

Dapat talasan pa ng PDEA at ng Philippine National Police (PNP) pati ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang intel para masugpo ang sindikatong nagpapasok at nagkakalat ng droga sa Pinas.



Sa imbestigasyon kasi ng Laos authorities, sinabi raw ni Fajad sa siya na ang bahala sa clearance pagdating sa airport sa Maynila. Ibig sabihin may kontak siya sa airport. Ito ang dapat alamin ng ating law enforcement agencies. Mismo!

***

Nagdesisyon ang House prosecution panel na ipagpatuloy ang isa nalang sa apat na impeachment articles laban kay Vice President Sara Duterte.

Iniatras na nito ang tatlong articles at tinututukan nalang ang alegasyong unexplained wealth.

Ginawa ni lead prosecutor at House Representative Gerville Luistro ang pahayag nitong Martes sa impeachment proceedings, sinabing tututukan nalang ng panel Article II, tungkol sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ng Bise Presidente.

Naniniwala kasi ang prosecution na sa pag-concentrate nila sa Article 2 ay maipapakita nila ang buong kaso sa alegasyon. Mismo!

Ibig sabihin nito, mga pare’t mare ay mapapadali ang trial. Posible by December ay pagbobotohan na ang kapalaran ni Sara. Araguy!!!

Subaybayan!

***

Kapag na-impeach si Sara, hindi na siya maaring tumakbo sa 2028. Hindi narin siya puwede humawak ng anumang posisyon sa gobierno.

Alam ito ng mga Duterte. Kaya inihahanda na nila ang utol ni Sara na si Davao City Mayor “Baste” para siyang kumasa sa panguluhan sa 2028 election.

Sabi nga ng half sister ni Sara na kiti-kiti, babalik sila sa 2028 para gumanti. That means kapag nakabalik sila sa Malakanyang, gagantihan nila ang kampo ni President Marcos at ang mga nagdiin para makulong sa ICC ang matandang Duterte, si ex-President Digong.

Kung ganito ang mangyayari, susubsob ang Pilipinas dahil sa mga gantihan sa politika.

Dapat maghalal tayo ng lider na hindi Marcos at lalong hindi Duterte. Period!