Advertisers

Advertisers

Gov’t. agencies todo-bantay sa super typhoon Rosal – Malacañang

0 45

Advertisers

TINIYAK ng Malacañang na nakahanda ang mga ahensya ng pamahalaan sa posibleng epekto ng Tropical Cyclone Rosal na inaasahang lalakas at magiging super typhoon.

Ayon kay Communications Undersecretary Atty. Claire Castro, nakikipag-ugnayan na ang mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kahandaan sa pagtugon sa mga panganib na maaaring idulot ng bagyo.

Kabilang sa mga nakahandang ahensya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Health (DOH).



Hinimok ni Castro ang mga residenteng posibleng maapektuhan ng bagyo na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad habang patuloy na minomonitor ang galaw nito.

Samantala, pinayuhan din ng opisyal ang publiko na samantalahin ang pag-ulan upang makapag-ipon ng tubig, lalo na sa mga lugar na nakararanas ng tagtuyot dahil sa El Niño.



Umaasa ang Malacañang na magiging sapat ang pag-ulan upang makatulong na maibsan ang epekto ng tagtuyot, nang hindi magdulot ng matinding pinsala sa mga lugar na daraanan ng bagyo. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">