Advertisers

Advertisers

Ex-DPWH Engr. Alcantara umamin sa 2% cut mula kay Zaldy Co

0 38

Advertisers

IBINUNYAG ni dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara sa Sandiganbayan Third Division na nakatanggap siya ng 2% cut bilang “gentle request” mula sa umano’y kickbacks para kay former Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Sinabi rin ni Alcantara na ang 2% cut ay tinawag niya pang “lambing”.

Sa sinumpaang testimonya rin ni Alcantara, isinalaysay nito na siya ay nagpasa ng listahan ng proyekto kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co kapalit ang umano’y pagtanggap niya ng mga kickbacks.




Ayon pa kay Alcantara, na ang umano’y mga kickbacks ni Co ay tinatayang 20% ngunit ito ay agad na nadagdagan at naging 25% noong panahon ng panunungkulan ni dating house speaker Romualdez.

Dagdag pa ni Alcantara na wala umanong ibinigay na rason si Co kung bakit ito nadagdagan.




Sa ginawang cross examination naman ng abogado ni Romualdez na si Atty. Thea Daep, tinanong niya si Alcantara kung nirequest niya ba ang 2% cut mula kay Co. Sagot naman ni Alcantara sa abogado na siya ay “naglambing” o naghayag ng kanyang gentle request na 2% kickbacks.

Agad naman umanong sinang-ayunan ang 2% request increase ni Co. Dagdag pa ni Alcantara na ang kickbacks mula kay Co ay galing sa advance payment ng contractors.




Magugunitang nahaharap ang president’s cousin na si Romualdez sa kasong plunder o pandarambong kaugnay sa mga umano’y 7.44 billion kickbacks nito sa mga government infrastructure projects taong 2022-2025.