Advertisers
Advertisers
Advertisers
Advertisers
Advertisers
ISINIWALAT ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division noong Martes, Oct. 20 para sa kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, na sumipa sa 25% mula sa 20% ang kickback na nakukuha sa infrastructure projects, noong naging tagapagsalita na si Romualdez ng kamara.
Sa testimonya ni Alcantara, nagsimula noong 2022 ang umano’y 20% kickback rate ni dating Congressman Zaldy Co sa panahon na tagapagsalita pa ng Kamara si Senator Alan Peter Cayetano o kaya naman ay sa panahon ni dating Congressman Lord Alan Velasco.
Samantala, sumipa naman umano sa 25% ang kickback rate ni Co noong 2023 National Expenditure Program o NEP na taong 2022 pa inihanda, kung saan naging tagapagsalita na ng kamara si Romualdez.
Gayunpaman, ay wala namang maisagot si Alcantara ng tanungin ng hukuman kung bakit biglang tila nagkaroon ng “inflation” sa nakukuhang kickback rate ni Co.
Matatandaang kapwa-akusado ni Romualdez si Co sa kasong plunder, kung saan sinasabing isinumite ni Alcantara ang listahan ng mga proyekto kay Co noong 2021, kapalit ng 20% kickback, na umano’y idineliver naman ni Alcantara kay Co noong February 2022.
Recover your password.
A password will be e-mailed to you.