Advertisers

Advertisers

Random drug testing ikakasa sa mga PUV drivers ngayong Undas – Palasyo

0 42

Advertisers

PAG-AARALAN ng mga kinauukulang ahensya ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga driver ng pampublikong sasakyan, alinsunod sa umiiral na batas at mga regulasyon.

Ito’y ayon kay Executive Secretary Ralph Recto upang makatulong na maiwasan ang mga aksidente at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Binanggit naman aniya ng Philippine Coast Guard (PCG) na inaasahang aabot sa 1.5 milyon hanggang dalawang milyong pasahero ang bibiyahe sa dagat ngayong Undas.



Paliwanag ng opisyal, saklaw ng Oplan Biyaheng Ayos ng ahensya ang Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

Inatasan naman ng Palasyo ang Department of Transportation (DOTr) na tiyaking may sapat na pampublikong transportasyon at maghanda ng karagdagang masasakyan sakaling hindi kayanin ng regular na biyahe ang dami ng mga pasahero.



Kabilang dito, ayon kay Recto, ang mga barkong maaaring gamitin upang maisakay ang mga pasaherong mai-stranded sa mga pantalan.

Makikipag-ugnayan din aniya ang DOTr sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang matiyak ang sapat na bilang ng mga bus, lalo na sa mga rutang inaasahang dadagsain ng mga biyahero. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">