Advertisers

Advertisers

DOTR, DPWH chiefs nag-swap ng posisyon!

0 41

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Sec. Vince Dizon na pabilisin ang mga reporma sa sektor ng transportasyon upang mapagaan ang araw-araw na biyahe ng mga Pilipino, habang si Sec. Giovanni “Banoy” Lopez naman ang magpapatuloy at magpapatibay sa mga reporma sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano, layunin ng pagbabago sa pamunuan na mas mapabilis ang serbisyo ng gobyerno at maramdaman ng publiko ang mga pagbabagong ipinapatupad ng administrasyon.

Kabilang sa mga ipinagagawa ni PBBM kay Dizon ang pagpapabawas sa pila sa Land Transportation Office (LTO), pagsugpo sa mga fixer at pagpapabilis sa mga proyektong pangmaramihang transportasyon.



Inaasahan ding mababawasan ang oras na ginugugol ng mga manggagawa at estudyante sa biyahe upang magkaroon sila ng mas maraming panahon para sa kanilang pamilya.

Samantala, tungkulin ni Lopez na tiyaking magpapatuloy ang mga repormang sinimulan sa DPWH, lalo na sa pagpapalakas ng transparency, pananagutan at mga sistemang maghihigpit sa pagbabantay sa mga proyektong pang-imprastraktura.



Kasabay nito, inatasan din siyang pabilisin ang mga road projects, tulay at iba pang imprastrakturang kailangan ng mga komunidad.

Binigyang-diin naman ni Cayetano na layunin ng Pangulo na magkaroon ng mas mabilis at maayos na serbisyo, habang tinitiyak na magtatagal ang mga reporma at mapapakinabangan ng publiko kahit matapos ang termino ng Chief Executive. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">