Advertisers

Advertisers

Sarah pinagpyestahan ang pagbubuntis

0 30

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi na nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang umano’y paglaki ng baby bump ni Sarah Geronimo!

Sa halip na simpleng pagpansin sa bagong larawan at video ng Popstar Royalty, nauwi ito sa samu’t saring espekulasyon, pagbati at mainit na palitan ng opinyon tungkol sa posibilidad na magiging ina na siya.



Sa Instagram post na ibinahagi ng account na justsarahgph, maraming netizens ang nakapansin sa pagbabago sa hitsura ni Sarah.

May mga nagsabing tila nagkakaroon na siya ng pregnancy glow, habang ang iba naman ay nagpaabot agad ng pagbati at panalangin para sa kalusugan niya at ng umano’y dinadala niyang sanggol.



May mga nagkomento pa na posibleng nasa huling trimester na ang singer at nanghula kung Disyembre o Enero ang maaaring maging due date niya. May ilan ding nagtanong kung nakapanganak na ba siya, ngunit agad namang may nagpaalala na wala pang kumpirmasyong dapat paniwalaan tungkol dito.

Sa ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa celebrity couple tungkol sa pagbubuntis. Kaya naman, kahit marami ang kinikilig at umaasang madadagdagan na ang kanilang pamilya, nananatiling haka-haka ang mga komento tungkol sa baby bump ng singer.



Mas naging kapansin-pansin ang usapan nang ungkatin ng isang netizen ang naging pahayag umano ng isang manghuhula o card reader na hindi raw magkakaanak si Sarah.

“Hello po dun sa Manghuhula/Card reader sa vlog na ang sabi ay never magkakaanak si Sarah G. Sana hindi ka nabilaukan sa kinakain mo..”

Ito ang makahulugang komento ng isang netizen na tila ipinunto ang posibilidad na hindi magkatotoo ang naturang prediksiyon.

Sa gitna ng ingay, malinaw sa mga reaksyon na may mga taong naniniwalang hindi dapat gawing batayan ng katotohanan ang mga prediksiyon, lalo na kung sensitibong usapin tulad ng pagbubuntis at pagkakaroon ng anak.

May mga nagcongratulate naman sa Popstar Royalty.

“Congrats Mr and Mrs G , Gandang buntis”

“Happy for Sarah! You deserved all the blessings that comes your way!”

Ilan lamang ito sa mga positibong reaksiyong nagpapakita ng pananabik ng ilang tagahanga para sa singer. May mga nagsabi ring masaya silang makita si Sarah na tila nagliliwanag at masayang-masaya.

Pero hindi lahat ay natuwa sa pagbusisi ng publiko sa hitsura ng singer.

May mga nagpahayag na hindi naman kailangang maging malaking usapin ang umano’y baby bump niya, lalo’t may asawa naman siya at normal lamang na magkaroon ng sariling pamilya kung iyon ang kanilang pinili.

“Kahit gaano tayo ka-marites, respetuhin natin ang mga babaeng pinipiling panatilihing pribado ang kanilang pagbubuntis.