Advertisers

Advertisers

Pag-upload ng E-Warrant ng korte partikular sa Laguna, ipinanawagan ng VACC

0 31

Advertisers

NANAWAGAN ang Volunteers Againts Crime and Corruptiom (VACC) sa Korte Suprema sa mas maayos na pagpapatupad ng pag-upload ng e-warrant sa bawat korte sa bansa.
Ang panawagan ng VACC kasabay ng pagsasampa ng reklamong perjury laban sa isang judge sa Municipal Trial Cleark of Court sa Sta Rosa Laguna nitong Martes ng umaga.
Ayon sa complainant na si Ginang Monalie Dizon anim na taon nang hindi ina-upload ni Judge Alvin Landicho ang nasabing e warrant na inaantay na ng law enforcement agencies upang ipatupad ito.
Kaugnay nito sinamahan ni VACC Chairman Manny Obedoza si ginang Monalie Dizon upang personal na magsampa ng kasong perjury sa municipal Trial Court laban kay judge Landicho sa Sta Rosa, Laguna.
Binigyang-linaw ni Ginang Dizon na hindi niya hangad humantong pa ang usapin sa nasyonal subali’t aniya ang kanilang ay katotohanan at hustisya lamang.
Sinubukan naman kunan ng pahayag ang kampo ni Judge Landicho subali’t wala ito sa kanyang tanggapan dahil naka-leave umano ito ayon Mario Catindid , Jr., City Cultural Affairs Office ng Santa Rosa, Laguna.
Umapela din si Ginang Monalie Dizon na gampanan ng maayos ni Judge Landicho ang kanyang tungkulin at huwag baliktarin ang kwento upang mas mapabilis ang ‘pag gawad at pag-aresto sa mga may nagkasala sa batas.
Sinubukan din hingan ng pahayag si Sta. Rosa Acting Chief of Police Pol. Lt. Col. John Paolo Carrecedo ukol sa usapin ng E-warrant na siyang pinag-uagatan ng kaso subali’t tumanggi itong magbigay ng pahayag.
Aniya, ipauubaya na nito ang lahat ng usapin sa korte lalo na’t naisampa na ito sa piskalya at kailangan muna niyang humingi ng clearance sa nakakataas kung kailangan niyang magbigay linaw sa usapin sa isang press conference.