Advertisers

Advertisers

VP pa si Sara pinagtatalunan na papalit sa kanya

0 45

Advertisers

NATATAWA ako sa panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang mga kapwa mambabatas.

Panawagan niya: ‘Wag tanggapin kung ialok (sa sinuman sa kanila) ang Vice President kapag napatalsik sa puwesto si Sara Duterte-Carpio.

Ano kaya kung sa kanya (Cayetano) ialok ang puwesto? Sa tingin ninyo, mga pare’t mare, tatanggihan kaya niya. Eh matagal na niyang pangarap ang mas mataas na posisyon sa politika. Plinano na nga niya noon kumandidatong pangulo. Hehe…



Pero nauna nang umayaw si dating Senate President Chiz Escudero. Hindi niya raw tatangapin ang puwesto. Ehem!!!

Si Escudero, kumandidatong VP ni Grace Poe noong 2016, ang Presiding Officer ng ongoing impeachment trial laban kay VP Sara.



Si Escudero ay isang political butterfly. Bago siya natalagang presiding officer ng impeachment kay Sara, nasa kampo siya ng DDS. Pero nang iniimbestigahan ng Ombudsman hinggil sa kickback sa plunder control projects, tinalikuran niya ang grupong DDS.

Parehas lang sila ni Sen. Joel Villanueva, isa ring DDS. Pero nang madawit sa isyu ng kickback sa flood control scandal sa Bulacan, nilayasan din ang kampo ng DDS.



Ano na nga ba ang nangyari sa imbestigasyon sa kasong Plunder laban dito kina Escudero at Villanueva, Ombudsman Boying Remulla? Burado na ba?

Kawawa naman sina Sen. Jinggoy Estrada at ex-Sen. Bong Revilla, sila lang ang nakulong sa kickback!

Pero masuerte si Pogi nakapagpiyansa, habang si Sexy, himas rehas parin. Araguy!!!

Teka, bakit ba pinag-uusapan na ang puwesto ng VP eh nasa puwesto pa naman si Sara, ongoing pa ang impeachment trial. Sa Disyembre pa raw posibleng matapos, pagbotohan ng mga Senator-Judge ang kapalaran ni Sara.

Bakit, sure na bang mai-impeach si Sara? Iiyak mga DDS nyan. Hehehe…

***

Naghahanda na ang natitirang DDS senators sakaling ma-impeach si Sara. Ikakasa raw nila si Davao City Mayor “Baste” Duterte, ang utol ni Sara na puno ng taon at katawan hanggang leeg.

Sumaludo na nga si Sen. Robin Padilla kay Baste. At mukhang siya ang magiging ka-tandem ni Baste. Hehehe…

Kung sakali, hindi ba napakapangit tingnan na ang isang presidente ng bansa ay puros tatoo ang katawan, hanggang leeg at mukhang basagulero? Dyahe!

Sana mag-level up na ang mga botanteng Pinoy. Magboto naman ng matino, ‘yung kagalang-galang, walang bahid ng korapsyon ang pamilya, higit sa lahat nagtatrabaho ng maayos para sa bansa, hindi yung babaero at lasenggero. Mismo!

Anyway, may dalawang taon pa para kilatisin ang sunod na maging lider ng Pilipinas.

Doon tayo sa matuwid! God save Philippines!!!