Advertisers

Advertisers

PAIHI KING NG BAUAN, BATANGAS, WALANG TAKOT!

0 34

Advertisers

WALANG kinatatakutan ang tinaguriang Paihi King ng Bauan, Batangas, at walang kadala-dala pagkat humigit-kumulang sa isang buwan pa lamang matapos na masakote ito sa kasong may kaugnayan sa Illegal trading, hoarding and sale of petroleum products ay sangkot muli ito sa panibagong katulad na kaso.

Acting PNP Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay at Batangas PNP Acting Provincial Director Col. Oliver Ebora

Noong 2nd week ng September 2026 ay naaresto si alyas Bryan habang nagmamaneho ng kanyang Isuzu Elf Truck na may lulan na malaking kantidad ng diesel na pinaniniwalaang ninakaw ng sindikato mula sa mga tugboat na naka-ankorahe sa Batangas City Bay.



Patungo noon si alyas Bryan sa kanyang kuta sa isang kunwari ay vulcanizing shop sa Brgy. San Pedro na kanyang imbakan ng mga ilegal na petrolyo nang harangin ito ng mga operatiba ng Batangas PNP Provincial Intelligence and Investigation Unit (S2) sa Brgy. San Juan, sa bayan ng Mabini.

Kamakalawa ng bandang 2:00 ng madaling araw ay muli na namang nasabat ng mga operatiba ni Batangas Acting PNP Dir. Col. Oliver Ebora ang grupo ni alyas Bryan sa Brgy. Sta. Maria sa bayan din ng Bauan. Natuklasang inilipat lamang ni alyas Bryan ang kanyang kuta na vulcanizing shop sa Sitio Batuhan sakop din ng Brgy. San Pedro.



Apat na tripulante ng motor boat Amirah na pag-aari ng mag-asawang alyas Joel at alyas Myra ang nadiskubreng nagdiskarga ng ilegal na petrolyo sa dalampasigan ng bayan ni Bauan Mayor Wendah Dolor.

Sa unang nakalap na impormasyon ay pito katao ang nasakote ng mga operatiba, ngunit lumitaw na ang apat na tauhan lamang ng mag-asawang alyas Joel at alyas Myra ang nasa kustodiya ng pulisya?



Katatapos pa lamang na diskargahin ng apat na tripulante ang malaking volume ng petroleum product na karga ng motorboat Amirah nang masabat ito ng mga police operative habang lulan na sa L300 van.

Nakumpiska sa inarkila ni alyas Bryan na L300 ang halagang Php 1,031M na diesel. Kasunod nito ay sinalakay ng mga operatiba ang motorboat Amirah kung saan natagpuan ang karagdagang plastic container na may laman na krudo na nagkakahalaga ng Php 94,000.

Noong third week ng October 2026 naman ay nasabat ng pulisya sa Brgy. Malitam, Batangas City ang motorboat Julios na pag-aari din ng mag-asawang alyas Joel at alyas Myra. Ngunit nakatakas ang apat na tripulante ng motorboat.

Natuklasan sa motorboat Julios ang di pa binanggit na kantidad ng ilegal na petrolyo. Nasa kustodiya ng Batangas PNP ang motor boat Amirah at motorboat Julios. Kasong Violation of Batas Pambansa Blg. 33 in relation to PD 1865 ang isasampa laban sa mga supek.

Dapat tutukan nina BGen. Baccay at Col. Ebora ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kina alyas Bryan; sa mag-asawang alyas Joel at alyas Myra; at sa apat na mga motor boat crew hanggang sa tuluyang masentensyahan ang mga ito sa hukuman.

Saludo ulit ang SIKRETA kina Acting PNP Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay, Batangas PNP Acting Provincial Director Col. Oliver Ebora at sa mga operatiba ng Batangas PNP S2. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144