DILG Sec. Remulla sir pakilusin mo si Rizal PNP PD PCOL Barbers at Taytay Mayor Allan De Leon sa nagkalat na pergalan?
Advertisers
Wala na sigurong dapat pang kalampagin sa pagiging bulag pipi at bingi nitong si Rizal Police Provincial Office Director, PCol. Atty. Eleazar Barber Jr kundi si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla dahil hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin sa operasyon ang mga ilegal na sugalan partikular ang Pergalan sa mga Bayan bayan ng Lalawigan ng Rizal.
Para sa kaalaman mo Sec. Jonvic Remulla makailang ulit ng nagbigay ng impormasyon ang Usapang HAUZ sa tanggapan ng Rizal PPO na pinamumunuan ni PCol. Barber na sa pamamagitan ng kanyang Public Information Office (PIO) Chief PCPT. Nomer Macaraig ay personal na inabot sa opisyal ang kopya ng impormasyon hinggil sa nagkalat na Pergalan sa Lalawigan.
Nangako si PCpt. Macaraig na makakarating sa kaalaman ni PD Barber ang mga hinaing ng mga residente hinggil sa talamak at lantarang ilegal na sugalan sa mga Pergalan subalit halos magdadalawang Linggo na ay wala pa ring aksiyon ang pamunuan ng Rizal PNP Command kahit na may lehitimong impormasyon nang ibinigay ang Usapang HAUZ.
DILG Secretary Jonvic Remulla Sir, mas maganda siguro kung paiimbistigahan mo sa ibang Unit ang mga Pergalan sa Bayan ng Montalban na isang Alias Macalindog ang siyang nagmamayari at nakapuwesto sa Brgy. Riverside, habang ang sa Bayan ng Tanay ay nakapuwesto ang Pergalan sa tabi pa mismo ng Simbahan at isang Elvie ang siyang mayari.
Sa Bayan naman ng Taytay Sec. Jonvic Remulla Sir, si Donya Tessie ang Untouchable Perya operator na halos isang taon ng nagooperate sa may C-6 boundery ng Taguig at Taytay na sinasabing kumare ni Taytay Rizal Mayor Allan De Leon kung kaya’t hindi kayang galawin.
Tulad ng ginawa ng Usapang HAUZ Sec. Jonvic sa tanggapan ng Rizal PPO ay personal na tinungo ang tanggapan ni Mayor De Leon at sa pamamagitan ng kanyang Lady PIO Chief ay naipaabot ang problema hinggil sa Pergalan ni Donya Tessie kung saan ay nangako ang Lady PIO Chief na agad niyang ipaparating kay Mayor ang nasabing problema subalit hanggang sa ngayon ‘Nganga’.
Para tuloy naniniwala Sec. Jonvic. Sir ang mamamayan ng Taytay na kaya hindi umaaksiyon itong si Mayor De Leon ay sagrado ang pagiging kumare niya si Donya Tessie at malaki umano ang nagiging pakinabang ng Pamahalaang lokal ng Taytay, puwede naman sigurong paimbistigahan.
Dapat rin sigurong malaman ni Sec. Jonvic Remulla na umabot sa limang katao ang nasakote ng pulisya sa isinagawang raid sa isang Pergalan na pagaari ng alias Elvie nitong nakalipas na Linggo ang suma total ay nahinto ang kinagigiliwang Color Games, Drop Ball at iba pa na nakapuwesto sa tabi pa mismo ng Simbahan ng Tanay.
Pero sa ngayon Sec. Jonvic Remulla Sir, ayon sa impormasyong nakalap ay tuloy na naman ang operasyon ng Pergalan ni alias Elvie kung kaya’t balik na naman sa pagiging talamak sa sugal ang mga residente rito, eh nagkaayusan na raw sir?
Merong nais ipagbigay alam ang Usapang HAUZ kay Sec. Jonvic Remulla, na ang Siyudad ng Antipolo ay may mga nagbabalak ng magtayo ng mga peryahan dahil sasalubungin ng mga peryante ang pagselebra ng kapistahan ng Immaculate conception sa darating na Disyembre 8 kaya’t mas makakabuti siguro Sir na kausapin mo na ang iyong Provincial PNP Chief PCol. Barber at Chief of Police na si PLT. COL. Mark Henry A. Garcia nang sa gayon ay maiselebra ang Fiesta na kasiyahan at walang sugalan.
Hindi na dapat sigurong ipaalam pa kay PD Barber ang mga pangalan ng kanyang COP na may hayagang nagooperate ng ilegal na Pergalan kundi iderekta na natin mga Ka Usapang HAUZ ang mga pangalan nito na hindi umaaksiyon kay DILG Secretary Jonvic Remulla na sa Montalban ang COP rito ay si PLTCOL. Arwyn D. Gaffud, PLTCOL. Arnel M. Tabaog ang sa Bayan ng Tanay, at ang pinagmamalaki ni Donya Tessie na bukod kay Mayor Allan De Leon na umanoy super lakas niya ay pati rin kay PLTCOL. Joel Custudio.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036