Advertisers

Advertisers

22 PUV drivers buking na adik sa Zambo

0 32

Advertisers

UMABOT sa 22 public utility vehicle (PUV) drivers sa Zamboanga Peninsula ang nagpositibo sa paunang resulta ng drug testing na isinagawa sa iba’t ibang transport terminals bilang bahagi ng paghahanda sa Undas nitong Huwebes, Oktubre 29.
Isinagawa ang sorpresang operasyon “Oplan Harabas” ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office IX (PDEA-RO9) katuwang ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine National Police (PNP), mga lokal na anti-drug abuse council, pamunuan ng mga bus terminal at Rural Transit Minda-nao, Inc.
Sa kabuuang 1,213 driver at konduktor na sumailalim sa drug testing sa buong rehiyon, 22 driver ang nagpositibo sa paunang pagsusuri.
Kabilang sa mga ito ang 17 tricycle driver, 3 jeepney driver, isang bus driver, at isang van driver.
Pinakamaraming naitalang nagpositibo sa Zamboanga City na may 10 kaso, sinundan ng Zamboanga del Sur (5), Zamboanga del Norte (4), at Zamboanga Sibugay (3).
Ayon sa PDEA-RO9, sasailalim pa sa laboratory confirmatory testing ang mga paunang positibong resulta. Pansamantalang kinumpiska ng LTO ang mga lisensya ng mga driver habang hinihintay ang opisyal na resulta.
Ang mga driver na makukumpirmang positibo ay ire-refer sa kani-kanilang local anti-drug abuse council para sa kaukulang rehabilitation at intervention programs.