Advertisers
NAGBIGAY ng matin-ding babala ang isang mambabatas sa Cagayan de Oro City na isusulong nito ang “shoot to kill” order” kapag hindi pa sumuko ang wanted sa International Criminal Court (ICC) na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Babala ni Cagayan de Oro City 1st District Representative Lordan Suan, kapag patuloy na magmatigas ang senador sa pagsuko, sa kabila ng pinaigting na paghahanap sa kanya matapos ang isang linggong deadline Biernes ng hatinggabi, Oktubre 30, pangu-ngunahan niya ang pagsulong ng resolusyon para sa “shoot to kill” order laban sa dating PNP Chief na utak ng ‘Oplan Tokhang’ kungsaan higit 30,000 ang nasawi ayon sa datus ng human rights group.
“If Bato Dela Rosa fails to surrender by the deadline, I will convene a House committee hearing and file a shoot-to-kill resolution,” diin ni Rep. Suan.
Ang alkalde ng Cagayan de Oro City na si Klarex Uy ay naglatag narin ng P20 million reward sa makahuhuli kay Dela Rosa.
Matatandaan na si Uy ay isa sa napasama sa narcolist ni dating pangulo Rody Duterte. Ang kanyank anak ay biktima rin ng extrajudicial killings ng ‘war on drugs’ ng Duterte administration.
Si Dela Rosa ay isa sa co-perpetrators ni Duterte sa kasong ‘crimes against humanity’. Sinasabing kinakanlong ito ngayon ng malaking organisadong armed group sa Minda-nao.
Higit isang taon nang nakulong si Duterte sa ICC facility sa The Hague, Netherlands. Kasalukuyan nang dinidinig ang mga akusasyon laban sa kanya.