Advertisers

Advertisers

6 DPWH officials, 7 pa kinasuhan ng Ombudsman sa P491m road right of way scam

0 38

Advertisers

PORMAL nang isinampa ng Office of the Ombudsman ang tig-18 counts ng graft at malversation ang anim na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 12 at pitong pribadong indibidwal kaugnay ng umano’y P491 milyong ‘road right-of-way’ scam sa General Santos City.
Kabilang sa mga kinasuhan sina former DPWH Region 12 Regional Director Subair Saro Diron, former Assistant Regional Director Laureano Suan Junior, at apat pang DPWH personnel.
Nag-ugat ang kaso sa tatlong investigation reports na isinumite ng National Bureau of Investigation noong 2018 at 2019, kungsaan sangkot umano sa pagbabayad sa right of way ng 18 parcels ng lupa na nakaapekto sa konstruk-syon ng Digos-Makar National Road sa Lagao, General Santos City.
Batay sa affidavit ng testigong si Roberto Catapang Jr., na inamin ang kanyang pagkakasangkot sa isang sindikato, nakipagsabwatan ang mga claimant sa DPWH officials para mangolekta ng pera sa gobyerno bilang pambayad sa nasabing acquisitions, sa pamamagitan ng pamemeke ng mga isinumiteng dokumento.
Inaprubahan ng DPWH Region 12 Technical Working Group ang mahigit P491 milyong disbursement para sa claimants na nagpresenta ng mga pekeng dokumento.
Natuklasan din ng mga imbestigador na ilegal na ginamit ng mga respondent ang 2009 appraisal value na 3,500 pesos per square meter para matukoy ang compensations sa mga ari-arian na nakuha ng gobyerno noong early 1990s, na nagdulot ng mas mataas na right-of-way claims
Samantala, sinibak na ng Ombudsman sa serbisyo si dating DPWH Region 12 Legal Officer Ansare Mariga Busran