Advertisers
TINANGGIHAN ng Philippine National Police (PNP) ang panawagang gumamit ng “shoot-to-kill” na paraan sa pagsilbi ng warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Kasunod ito ng pagkalat ng mga pekeng quote card na iniuugnay ang naturang panawagan sa isang mambabatas.
Ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr., hindi sinusuportahan ng pambansang pulisya ang shoot-to-kill approach.
Giit niya, tungkulin nilang ipatupad ang batas at hindi ang ilagay sa sariling kamay ang batas.
Dapat din aniyang gabayan ng due process, paggalang sa karapatang pantao at rule of law ang bawat operasyon nila.
Si Dela Rosa, dating hepe ng PNP, ay may kinakaharap na warrant of arrest sa International Criminal Court (ICC) para sa mga kasong ‘crimes against humanity’ kaugnay ng war on drugs ng nakaraang Duterte administration.
(Mark Obleada)