Advertisers

Advertisers

Bigating ABS-CBN Stars, Wagi ng Prestihiyosong Parangal sa 74th FAMAS Awards

0 30

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Patuloy na kinikilala ang husay ng Kapamilya stars na sina Charo Santos, Maricel Soriano, at BINI matapos silang tumanggap ng pagkilala para sa kanilang kontribusyon sa industriya sa 74th FAMAS Awards.

Tinanggap ng award-winning na aktres na si Charo Santos ang prestihiyosong Susan Roces Celebrity Award para sa kanyang dedikasyon at importanteng kontribusyon sa industriya ng telebisyon at pelikula sa bansa.



Muling naiuwi naman ni Diamond Star Maricel Soriano ang Best Actress na pagkilala para sa kanyang husay sa pelikulang “Meet, Greet & Bye.”

Samantala, wagi rin ang BINI ng FAMAS Youth Achievement Award na kumikilala sa kanilang galing, mabuting impluwensiya, at kontribusyon sa Philippine entertainment.



Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards ay iginagawad ng mga batikang manunulat at kolumnista sa mga natatanging pelikula at personalidad sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">