Advertisers

Advertisers

MGA BULLDOG SA IHAWAN SA TANAUAN!

0 58

Advertisers

PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., PNP Spokesperson BGen. Allen Rae Co

NAGKALAT ang mga “bulldog” sa “ihawan” sa Tanauan ng isang top ranking police official, na kahit si PNP Acting Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay at Batangas PNP Acting Provincial Dir. Col. Oliver Ebora ay hindi mapigil ang talamak na operasyon ng sugalan na front ng shabuhan sa siyudad ni Tanauan City Mayor Sonny Collantes.



Pagkat hindi pa kasali sa payola sina PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at PNP Spokesperson BGen. Allen Rae Co ay nanawagan ang mga apektadong residente na aksyunan ang nakakapanlumong kalagayan sa Tanauan City, Lipa City, bayan ng Nasugbu at iba pang mga lugar sa Batangas.

Ipinoste ng naturang police official ang mga naka uniporme at naka-sibilyan na mga “bulldog” nito sa paligid ng “ihawan” sa Tanauan, sa A. Mabini Avenue, Brgy. 2, Poblacion Tanauan City, na kilalang busy street at commercial area ng siyudad, upang makatiyak na walang makaka-salisi na mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) o sinumang “kalaban” na mambubulabog sa nasabing sugalan at drug den.



Kalaban ang turing ng naturang police official sa masisigasig na mga Batangas PDEA agent, mga PNP operative mula sa Region 4A, Camp Crame, maging ng mga National Bureau of Investigation (NBI) operative at iba pang mga law enforcing operating unit na hindi kasali sa payola sa sindikatong sugalan at shabuhan .

Hapon pa lamang ay tinatakpan na ng tolda at umaarangkada hanggang madaling -araw ang mga sugal na color game, drop ball, cara y cruz (Tao-Ibon) at iba pang ilegal na table at card games at tiangge ng shabu sa katabi ng mga barbecue stall na kinukunsinting mag-operate doon.



Nakakabili ng tingi-tingi at malakihang kantidad ng shabu kina alyas Onad, alyas Pajon at alyas Rommel na pawang nasa listahan ng high value target sa kampanya kontra droga. Napakadulas ng mga naturang pusakal na drug pusher kaya hindi masakote ang mga ito ng PDEA, CIDG at NBI.

Ipinagyayabang nina alyas Onad, alyas Pajon at alyas Rommel na matibay ang koneksyon ng kanilang boss na si alyas Baby Tomboy sa PNP at Tanauan City LGU kaya hindi matitibag nina BGen. Baccay, Col. Ebora at Police Chief Lt Col. Caesar Ian Binucal ang operasyon ng naturang sugalan/shabuhan sa Tanauan City.

Maging sa Brgy. 3, sa bayan ni Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon ay talamak din ang sugal at shabuhan ni alyas Baby Tomboy na nakadidismayang hindi din naaaksyunan ni Nasugbu Police Chief Lt Col. Angelito Guardian at Mayor Barcelon?

Simula sa buwan ng October-December magpahanggang New Year ay nakapakalakas ng sugal at bentahan ng droga sa A. Mabini Ave., na sakop ang Brgy.1, 2,3,4.

Paldong paldo naman ang protektor nina alyas Baby Tomboy, alyas Onad, alyas Pajon at alyas Rommel pagkat may lagom o isang bagsakang Php 5M para sa isang walang kabusugan na Tanauan City hall official at Php 1.5M sa isang police officer tuwing October hanggang January.

May malaking protection money din ang ilang korap na Nasugbu Municipal Hall official at opisyal ng PNP sa Nasugbu. May payola din sa ilang top police official at LGUs sa mga pergalan/shabuhan na pinatatakbo nina alyas Glenda sa Brgy. Pinagtong-olan, Lipa City at Alupay, Rosario; alyas Edith sa Brgy. Mabini at Brgy. Anilao, Lipa City; alyas Malou sa Brgy. Payapa, Lemery alyas Mundo sa Poblacion, Calaca City at alyas Oruga sa Brgy. Makina, pawang sa Batangas.

May “lagay” ding nanggagaling gabi-gabi sa 20 sakla joint nina alyas Oying, alyas Glen Figaro at policewoman alyas Sgt. Michelle. Tumataginting na Php 200k ang “padating” para sa isang Lipa City hall official at Php 120k naman ang para sa isang police officer.

May protection money din para sa ilang korap na pulis at LGUs ang mga sakla operator na sina alyas Tisoy, alyas Nonit at alyas Jeff sa bayan ng Padre Garcia; alyas Danny at alyas Mayor sa mga bayan ng Lemery, Agoncillo at San Nicolas; alyas Morpe sa bayan ng Rosario; alyas Ronnel ng bayan ng San Juan; alyas Magsino at alyas Adie sa Sto Tomas City at Mataas na Kahoy; alyas Kap Mike sa mga bayan ng San Luis at Alitagtag; alyas Digo sa Poblacion at Lumbangan sa bayan ng Tuy alyas Arnaiz sa bayan ng Taysan.

Congrats BGen. Allen Rae Co for a well deserved promotion! May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144