Advertisers

Advertisers

LAMEDUCK SI TRUMP

0 51

Advertisers

NAGSILBING matinding dagok kay Pangulong Donald Trump ang resulta ng nakalipas na halalan sa Estados Unidos. Nakuha ng Lapiang Democrata ang kontrol sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Gayundin ang ang mas malaking bilang ng gobernador sa 50 estado ng bansa. Ganap na napilay si Trump at ang lapiang Republican. Hind niya magagawa ang nais kahit anong pilit dahil tiyak na hindi niya makukuha ang suporta ng ibang lider ng bansa.

Patay na rin ang iginiit ni Trump na pilayin at sikilin ang International Criminal Court (ICC). Nais ni Trump na tuluyang patayin ang ICC. Hindi niya kinikilala ang Rome Statute, ang tratado ng maraming bansa (mahigit 160) na bumubuo sa ICC. Dahil dito, inaasahan na tuloy-tuloy ang paglilitis kay Rodrigo Duterte sa ICC. Hindi na sagabal si Trump. Wala na siyang kamandag upang patayin ang ICC.

Mag-uumpisa sa ika-30 ng Nobyembre ang paglilitis sa dating pangulo sa sakdal na crimes against humanity na isinampa ni Sonny Trillanes, Gary Alejano, at mga grupong maka-kaliwa laban sa kanya. Krimen sa sangkatauhan ang bintang sa kanya dahil sa pagpatay sa humigit kumulang na 30,000 katao kaugnay sa kanyang bigong giyera kontra droga noong umupo siya sa poder noong 2016.



Nakakasa na ang paglilitis. Naihanda na ang Trial Chamber III bilang hukuman sa paglilitis. Hindi na maiuurong pa ang paglilitis. Tanging ang panig ni Duterte ang sisinghap-singhap dahil sa kakapusan ng paghahanda. Bagong palit lang ng abogado si Duterte. Hindi na si Nicholas Kaufman ang kanyang abogado kundi si Peter Haynes na pumalit noong Mayo.

Samantala, naiparating ng mga Amerikano ang kanilang mensahe kay Trump. Hindi nila gusto ang nangyari pakikialam ng Estados Unidos sa giyera sa Gitnang Silangan. Hindi nila gusto ang pagbomba sa Iran. Para sa kanila, hayaaan na lang ang Israel sa paggiyera sa Iran. Hindi dapat makialam ang Estados Unidos.
*
PIPILIIN ni BBM ngayon o bukas o sa susunod na linggo ang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema. Inaasahan namin na pipiliin niya si Marvic Leonen dahil siya ang pinaka-senior sa mga mahistrado na nagtutunggali sa natatanging puwesto. Siya ang mayroong pinakamahabang karansan bilang hukom sa Korte Suprema.



Hindi kami natutuwa sa ibang katunggali ni Leonen. Ang iba ay kilalang DDS at ang isa ay tuta ng nasipang Punong Mahistrado Renato Corona. Masyadong mababaw ang bench. Kaya tanging si Leonen ang tingin namin ay kuwalipikado na maging punong hukom.
*
HUWAG basta maniniwala sa mga naglipanang environmental group sa Zambales. Mga huwad na organisasyon lang ang mga iyan at nagpapanggap lang ang mga iyan. Hindi dredging ang isyu sa pagbagsak ng ilang ilegal na istraktura sa Zambales. Habagat ang tunay na dahilan.

Bukod diyan, maraming kasapi umano ng pekeng environmental group ang sangkot sa ilegal ng bentahan ng “rights” sa mga lugar na ipinanganganak dahil sa pagputok ng bulkang Pinatubo noong 1991. Hindi maaaring sakupin ninuman ang mga lupang iyan dahil itinuturing silang”unclassified public land.”
*
MAY katwiran si Sonny Trillanes na kuwestiyunin kung may “parking fee” sa Office of the Ombudsman dahil hind ito kumilos sa mga paratang na plunder laban kay Bise Presidente Sara, Senador Bong Go, Chiz Escudero na iba pang sinampahan ng asunto doon. Kailangan magpaliwanag ni Boying Remulla kung bakit hindi ginagalaw ang mga asunto laban sa ilang kilalang tao. Hindi matatahmik ang bayan hanggang hindi nakakapagliwanag si Boying.



May pangarap siyang tumakbong pangulo sa 2028? Puwes, magtrabaho siya. Pinakamabisang paraan ang pagtratrabaho upang ipakilala ang sarili. Huwag siyang magtago sa lungga ng katamaran.
*
NAIS ni Solicitor General Darlene Barberabe na itapon ng Korte Suprema ang petisyon ni Bong Go at Robin Padilla sa 16 ang bilang ng mga senador na boboto upang aalisin sa poder si Sara at hindi na makatakbo sa halalan ng 2028. Hintayin na lang natin ang desisyon ng Korte Suprema. Samantala, pinakamaganda na itigil na ng lang opinon poll na masyadong hypothetical – ang laban ni Sara at Leni Robredo.

Paano ka maniniwala sa hypothetical match-up ng isang hindi makakatakbo dahil tiyak na aalisin siya sa poder ng Senado bilang impeachment court at ang isang walang kabalak-balak na tumakbo. Matagal na namin sinasabi na mahina ang dibdib ni Leni sa laban. Hindi siya palaban. Palaban si Sara pero hindi makakatkbo sa 2028.

***

Email:bootsfra@gmail.com