Advertisers

Advertisers

Akusasyon ni Tulfo vs Romualdez pinabubura sa Facebook

0 84

Advertisers

PORMAL na hiniling ni dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay veteran journalist/broadcaster Ramon Tulfo ang agarang pagbawi nito kaugnay ng nauna nitong alegasyon na si dating Speaker Romualdez ay lihim na lumalabas-pasok mula sa kanyang detention facility sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas, Quezon City.

Dahil dito, mariing nagbabala ang legal team ni Romualdez na posibleng magsampa sila ng kaukulang kaso sakali mang magpatuloy pa ang mga malisyoso at maling mga pahayag gayundin ang hindi pagtalima ng veteran broadcaster sa nasabing kahilingan ng  dating House leader.

Sa kanyang liham na may petsang November 4, sinabi ni Atty. Felix Michael U. Villa ng Solis Medina Fajardo Malilong Law Office na mariing hinihiling nito kay Tulfo ang agarang pagpapatigil at ang pagpapakalat ng mga maling publisidad na nakasaad mula sa kanyang Facebook post na may petsang November 3 sa pa-mamagitan ng formal notice address sa Ramon Tulfo Good Samaritan Foundation Inc.

Nakasaad sa nasabing Facebook post, na may captioned “Inilahad ng aking tweety bird kung paano pinalalabas si dating Speaker Martin Romualdez sa kulu-ngan,” kungsaan sinasabing si Speaker Romualdez ay lihim na lumalabas at bumabalik sa New Quezon City Jail male dormitory sa pamamagitan ng backdoor starecase nito patungo sa nakaabang na ambulasya, kungsaan sinasabing  may kasabwat na jail warden na s’yang nagpapatay ng elektrisidad na apektado ang buong pasilidad upang makaiwas mula sa nakaambang security cameras upang hindi mahagip ang recording movements sa loob na nasabing piitan.

“Our client categorically and unequivocally denies these allegations. Our Client has not left the New Quezon City Jail at any time since he was committed there on 14 September 2026, and he remains detained there as of the date of this letter,” ayon sa nasabing law firm.

Ipinunto pa ng mga abogado ni Romualdez na ang akusasyon ni Tulfo ay malayo sa katotohanan, at maituturing na hindi basta-basta tsismis at sa halip ito anila ay magbibi-gay lamang ng negatibong impression tulad ng misconduct and extraordinary privileges sa loob ng detention facility na posibleng makaapekto sa integridad ng ilang  jail officials at personnel na responsable sa kostudiya ni Romualdez habang nakapiit sa nabanggit na bilangguan.  (Henry Padilla)