Advertisers
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim upang patatagin ang proseso ng kapayapaan sa Bangsamoro.
Kasunod ito ng pagbubukas ng unang Bangsamoro Parliament matapos ang makasaysayang unang regular parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong Setyembre 14, 2026.
Matatandaang ilang beses na naipagpaliban ang BARMM polls dahil sa mga usaping legal at problema sa paghahati ng parliamentary districts.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12317, itinakda at natuloy ang halalan noong Setyembre 2026.
Sa unang parliamentary elections, 80 kinatawan ang pinili ng mga botante na bubuo sa unang regular na Bangsamoro Parliament, na siyang pipili ng Chief Minister ng rehiyon.
Sa pulong nina Marcos at Ebrahim, binigyang-diin ang kahalagahan ng tiwala, diyalogo at kooperasyon upang mapanatili ang kapayapaan at maisulong ang mga napagkasunduang hakbang para sa Bangsamoro.
Inaasahang makatutulong ang matatag na proseso ng kapayapaan sa paglikha ng trabaho, pagpapalawak ng pamumuhunan at pagsusulong ng kaunlaran sa Mindanao. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)