Advertisers

Advertisers

Lacson: Livestreaming at transcript sa bicam, isusulong para sa budget transparency

0 17

Advertisers

PAPALAWAKIN ng Senado ang mga hakbang para matiyak ang transparency sa pagbuo ng 2027 national budget, kabilang ang tuloy-tuloy na livestreaming at pagkakaroon ng transcript ng mga pagdinig ng bicameral conference committee o bicam.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, mahalaga ang transcript upang matukoy kung sinong mambabatas ang nagpanukala ng mga amyenda at nag-utos ng realignment sa mga probisyon ng badyet.

“Ang bicam, dapat lagyan ng minutes, naka-record ang transcript. Ito lang ang bicam sa lahat ng measure na walang transcript. Hindi maintindihan kung sino nag-introduce ng amendment. Meron na dapat ngayon. For the longest time walang transcript yan,” aniya.



Plano rin ng Senado na imbitahan ang mga grupong nagsusulong ng budget transparency, gaya ng People’s Budget Coalition, bilang mga tagamasid sa bicam proceedings.

Ikinabahala rin ni Lacson ang mga kuwestiyonableng geotagged coordinates ng ilang proyekto sa panukalang 2027 budget na aniya’y posibleng sinadyang manipulahin at hindi simpleng pagkakamali.



Binigyang-diin niyang dapat ding panatilihin ang Unified Account Code Structure (UACS) sa lahat ng yugto ng proseso ng badyet upang masubaybayan ang mga proyekto hanggang sa aktuwal na implementasyon.

“May mga codes ito, may mga numbers lalo madaling matukoy kung nasaan yung proyekto, kasi code structure yun, yung lahat ng mga proyekto na doon, himay na himay doon. Ang masama, pagka binabalangkas sa GAB at saka sa Senate, nabubura yung UACS,” pagtatapos ni Lacson. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">