Advertisers

Advertisers

P82.9-B inilaan ng DBM para sa bonus at cash gift ng gov’t. employees

0 18

Advertisers

NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P82.9 bilyon para sa year-end bonus at cash gift ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno.

Makakatanggap ang bawat kwalipikadong empleyado ng bonus na katumbas ng isang buwang basic salary at P5,000 cash gift.

Sinabi ng DBM, P73.449 bilyon ang inilaan para sa bonus habang P9.549 bilyon naman ang para sa cash gift.



Ayon kay DBM Secretary Kim Robert C. De Leon, naipamahagi na ang pondo sa mga ahensya at dapat matanggap ng mga kawani ang benepisyo kasabay ng unang sahod sa Nobyembre.

Kwalipikado rito ang mga kawani na nakapagtrabaho nang hindi bababa sa apat na buwan o 120 araw mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2026 sa national o local government.



Sinabi ni De Leon na malaking tulong sa mga kawani at sa kanilang pamilya ang nasabing bonus lalo at malapit na ang holiday season.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">