Advertisers

Advertisers

Maagang Pamasko: Isko, ipinaaga ang sweldo, bonus at P5,000 cash gift ng Manila workers

0 16

Advertisers

Maagang makatatanggap ng Pamasko ang mga empleyado ng Manila City Government.

Inanunsyo ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na sabay-sabay na ibibigay sa Biyernes, Nobyembre 13, ang sweldo, year-end bonus, at *P5,000 cash gift* ng mga kawani ng lungsod.

“Malugod ko pong ipinapaalam sa inyo na may sweldo sa Biyernes! At may 13th month! At ‘yung 5,000 na bonus! Makukuha niyo nang maaga at sabay-sabay na,” ani Domagoso sa flag-raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes, Nobyembre 9.



Naglaan ang lungsod ng kabuuang P817,312,760 para sa year-end bonus at cash gift ngayong 2026 — P762,462,760 para sa year-end bonus at P54,850,000 para sa cash gift.

Ayon sa alkalde, inagahan ang payout dahil sa four-day holiday mula Nobyembre 16 hanggang 18 na idineklara ng Malacañang.



Tiniyak din ni Domagoso na hindi maiiwan ang Contract of Service at Job Order workers.

Ibinahagi rin niya na naghahanda ang lungsod na mamahagi ng Christmas provisions sa *700,000 pamilya* sa Maynila, gayundin ng holiday packages para sa mga senior citizen.



“‘Yung pangarap ko lagi, taon-taon na nasimulan ko na noong tayo’y nagsimulang mag-Alkalde: lahat ng 700,000 families sa Lungsod ng Maynila ay makatatanggap, na meron silang mapaghaharimunan pagdating ng Pasko,” ani niya.

Paalala naman niya sa mga empleyado na magtabi ng bahagi ng bonus dahil maaga pa para sa Pasko.

“Masyadong maaga, baka naman pagdating ng Pasko ubos na,” biro niya . (Jocelyn Domenden)