Advertisers

Advertisers

Best Friend Ni Gladys Na Si Juday, Kasama Sa Music Video Ng Kanta Niyang Primera Kontrabida

0 55

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

Dahil kilala si Gladys Reyes sa bansag na Primera Kontrabida sa showbiz, kaya naman ang titulo niyang ito ay ginawang kanta. Yes, Primera Kontrabida ang title ng debut single ng mahusay na kontrabida. At ni-launch na ito kamakailan.

At may music video pa ito,kung saan ay kasama niya rito ang best friend niyang si Judy Ann Santos na nakasama niya noon sa seryeng pinagbidahan nila na Mara Clara.



Nasa music video rin ang ilan sa mga co-stars nila sa defunct series na sina Wowie de Guzma plus ang grupo nito noon na Universal Motion Dancers (UMD),Susan Africa, Juan Rodrigo, at ang asawa niyang si Christopher Roxas.

Sa UMD ay kasama ang mga original members: ang kambal na James at Jim Salas, Gerry Oliva, at Marco Mckinley. Lahat sila ay personal na kinontak nI Gladys para mapasama sa kayang mucis video.”



Kapag project kasi ni Gladys na sobrang malapit sa kanya, talagang hands on siya sa pagbuo nito. Kaya bukod sa concept, pati ang pagiging talent coordinator ay siya na rin.

“Ako ang personal na nag-invite kina Juday, Wowie, Tito Juan Rodrigo, Tita Susan Africa and UMD,”sabi ni Gladys sa interview sa kanya ng PEP.ph



“Since sa Mara Clara kami nagkakilala ni Christopher, and part din talaga siya.

“Kaya sabi ko sa kanya, dapat andun siya at sa part nung song na sa tunay na buhay, siya na yun,” aniya pa.

“Gusto ko kasi na unang music video ko, very iconic and nostalgic and may touch of teleserye pati opening title card. Parang font ng Mara Clara,” paliwanag pa ni Gladys.

Napakinggan na namin ang Primera Kontrabida at ganda ang lyrics nito,at danceable siya, huh! Napapaindak kami kapag naririnig ito.

Bahagi ng song ay ‘at least sa akin ay akting lang,” In fairness kay Gladys, kilala man siyang kontrabida sa mga serye at pelikulang ginagawa niya, sa totoong buhay naman ay bida siya at hindi kontrabida. Mabait at marunong makisama si Gladys, sa totoo lang.