Advertisers
BIBINGO SI INDAY SALAKAY
Hindi mapasusubalian ang damang takot ng abalang pangulo sa pagsisimula ng ikalawang bahagi ng teleserye sa paglustay ng salaping bayan ng opisyal mula sa kaTimugan. Sa nagwakas na unang bahagi, lumalakas ang panalangin ng abalang pangulo dahil nalalapit ang araw, mabubunot ang numerong ibig, biBingo ang Ale sa pagdinig sa hukom-senado. Sabik si Inday Salakay sa bilang na inaabatan, ang kagalingan ano sa B-I-N-G-O ang bibingohan ng Ale na inaasahang iba sa ibig ng sambayanan. At ang tanong, sigaw, tili o hagulgol ang gagawin ni Inday Salakay sa pagtatapos ng usapin ng pagpapasipa. Sa totoo lang ala pang buwan ng Nobyembre, silip ang dalas ng paglipad ni Inday Salakay sa labas ng bansa na nakasisiguro na ano man ang kinasasapitan o hatol na igagawad sa pagdinig, ang pagtakbo’y may kadalian. Samantala, iba ang dama ni Mang Juan sa galaw na gagawin ni Inday Salakay, nagsisiguro na ‘di matutulad sa ama na nasa The Iwahague.
Sa pagkilatis sa galaw ni Inday Salakay, masisipa ito ngunit ‘di pahuhuli higit silip ang naganap sa ama ng magmatapang na harapin ang asunto ng pag-utas sa mga biktima ng bigo at huwad na laban sa droga. Sa totoo lang, sa paglilitis sa sariling usapin sa hukom-senado, bilang abogado ‘di nagawang dumalo sa pagdinig o nakikipag-usap ang abalang pangulo sa mga tagapagtanggol gayung batid ang natapos sa pag-aabogasya na pumasa kuno na may grado na 80%, wow galing! Sa halip na makipagtalastasan sa mga tagapagtanggol hinggil sa mga detalye ng usapin, ang lumabas sa bansa ang gawa. Ang paglipad patungo sa ibang bansa ang pagsisiguro na ‘di mababalam ang pag-alis sa panahon na umabot sa paghatol ang hukom-senado. Sa totoo lang, malakas ang purong inaabatan higit lumabas na ang mga bilang na nagpapatotoo sa salang gawa ni Inday Salakay.
Sa pagsalin ng tindig na ang depensa ang naghaharap ng saksi, naging komedya ang naganap na wala sa sarili ang saksing iniharap mula sa Lunsod sa kaTimugan. Hindi maalala ng saksi ang paglabas masok sa Tsina at tumugon na walang saysay sa usapin ang tanong na ibinabato ng taga-usig. Sa totoo lang, ang saksi ang may hawak sa bolilyo sa bibingohan ng abalang pangulo ngunit nilimot o malimutan ang bilang na nahugot gayung kapit ang numero na babanggitin. At ang ‘di kapani-paniwala galaw na nabatid ng bayan. Malinaw na ibig limutin ng saksi na patamain ang bayan sa paglalahad ng katotohanan at ganap na ibig pagtakpan ang gawang sala ng abalang pangulo. Pasalamat at ‘di inaantok ang mga hukom-senador at na-alimpungatan na balikan ang tanong sa paglabas masok sa bayan ni Inday Salakay sa Tsina. At tamang oras sa paglilitis na batid ang paglabas masok ng mga tauhan ni Inday Salakay sa Tsina na tuwirang nabatid ng mga hukom senador. Sa O’ malapit na ang ‘Oras mo.
Sa ikalawang araw ng paglalatag ng testigo ng depensa, lumakas kaba ng depensa sa ibinabatong tanong ng taga-usig na alumpihit na sagutin ng saksi. Hindi maitago ng saksi ang kaba sa tanong na ibinabato na dahilan na magtungo ang Ale sa labas ng bansa sa halip na magmasid sa bansa sa kaganapan. At ‘di nagtagal na nagpahayag ang abogado ng depensa na ‘di kailangan na paharapin sa upuan ng mga saksi ang isang abogadang walang kampanilya na iniiwas o nagsisiguro na ‘di mababangasan ng mga umusig. Ang batid na pag-uugali o asal na pikon ng abalang pangulo ang tuwirang magpapa-amin sa salang gawa at ang iniwasan na maganap ng depensa. Sa totoo pa rin, bakit kailangan iiwas ang isang abogado na 80% ang nakamit sa pagsusulit at ‘di masasagot ang tanong ng isang Atty. Kapunan at Atty. Ligutan. Di pa kasama ang tanong ng mga hukom-senador higit si Sen. Lito Lapid.
Sa katapusan ng buwang kasalukuyan, umaasa si Mang Juan na magwawakas ang pagdinig ng hukom-senado at lalabas ang numerong pinakahihintay ni Inday Salakay na magpapaBingo sa kanya na magpapasaya kay Mang Juan at sa taong bayan. Walang duda na may magtatampisaw sa saya sa ilalabas na hatol ng hukom-senado na inaasahang magsusulong sa panibagong kabanata ng kasaysayan sa bansa. Sa kabanatang pagbabago, umaasa na patungo sa tuwid na daan at ‘di patungo sa kaTimugan na sumira sa kaayusan ng uri ng pamamahala. Muli, umaasa na mapupulutan ng aral higit ng kasalukuyang pamahalaan na pana-panahon sa silong ng langit. Ang salang gawa ‘di man singilin sa kasalukuyan humanda sa kinabukasan.
Nakakabagot ang huling bahagi sa pagdinig sa hukom-senado sa dahilang batid ang kalalabasan. Naniniwala sa patas na pagdinig subalit sa ikalawang araw ng paghahain ng mga testigo ng depensa malinaw na hirap mapagtakpan ang may sala higit sa pananalakay sa kabang bayan na galawan ng kaTimugan. Ang mga saksing inihubog sa mga tanungan ang salang gawa’y ‘di maitago sa karaniwang tanong ng taga-usig. O’ sadyang ‘di mapagtatakpan ng pagsisinungaling bayaran man ng bilyon-bilyon ang katotohanan. Muli, ‘di mapagtatakpan ang isang katotohanan ng bilyong pagsisinungaling. Sa nagaganap sa pagdinig higit sa paghaharap ng mga saksi ng depensa, tila nalulubog sa kumunoy ang abalang pangulo.
Hindi ibig palawigin ang usapin ng pagBingo ni Inday Salakay sa usapin sa hukom-senado sa dahilang ‘di mapabulaanan o masagot ng tama ang mga ibinabatong tanong ng taga-usig maging ng mga hukom-senador. Oras lang ang hinihintay at huhusgahan ang salang gawa ni Inday Salakay sa bayan nating mahal. Walang personalan ang ibibigay na hatol ngunit ganap na ikasisiya ng bayan sa kadahilanang kagalingan ang kapalit ng tamang pasya sa usapin. Walang layon na mahusgahan ng sala si Inday Salakay, subalit sa takbo ng pagdinig sa nakaraan at sa kasalukuyan, biBingo si Inday Salakay at natitiyak na magkakaroon ng bagong abalang pangulo ang bansa. Ang tamang hatol sa usapin sa harap ang Magandang Pamasko ng hukom-senado sa bayan.
Maraming salamat po!!!!