Advertisers

Advertisers

Catriona todo suporta sa medical mission

0 13

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi lang korona at karangalan ang patuloy na ipinagmamalaki ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kundi maging ang malasakit niya sa mga kababayang nangangailangan, partikular na sa larangan ng kalusugan.

Muling nakibahagi si Catriona sa medical at dental mission na inorganisa ng non-government organization (NGO) na Young Focus, na matagal na niyang sinusuportahan.



Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng beauty queen ang ilang larawan mula sa naturang medical mission na ikalawang taon na nitong isinasagawa.

Aniya: ‘So happy to be back at Young Focus for our second year of Medical and Dental Care Missions with Alphard Figaro Alas V The Med Club and Urban Smiles Dental Clinic !”



“Quality healthcare should be something every Filipino has access to, hindi lang yung mga may kakayahang magbayad for it.

“Marami pa ring communities sa Pilipinas ang walang easy access to proper medical and dental care. Sometimes, something as simple as getting a check-up, having your teeth cleaned, or getting the right medication can be a challenge for families. And these are things that can make such a big difference in a person’s health and quality of life.



“That’s why initiatives like this are so important. It’s not just about providing medical check-ups, medicines, vitamins, and dental services. It’s also about helping children and their families feel more comfortable seeking professional care and reminding them that their health matters.

“Sana mas marami pa tayong communities na maabot, because every Filipino deserves access to proper healthcare regardless of their circumstances.”

Aktibo rin siyang katuwang ng iba pang charitable organizations.

Dahil dito, itinalaga siyang opisyal na ambassador ng Waves for Water Philippines matapos tumulong sa paghahatid ng water filtration systems at 2,000-liter rainwater catchment tank sa isang komunidad sa Sitio Katugasan, Siquijor.

Naging bahagi rin siya ng Philippine Cancer Society fashion show noong Setyembre.

Para kay Catriona, hindi natatapos sa pagiging beauty queen ang kanyang responsibilidad.

Patuloy niyang ginagamit ang kanyang impluwensiya upang makapagbigay ng tulong at pag-asa sa mga nangangailangan.