Advertisers

Advertisers

MANSYON NG PULIS, HATAW SA SUGAL SA TANAUAN!

0 17

Advertisers

PNP Spokesperson BGen. Allen Rae Co at PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

NAGPATAWAG ng isang biglaang pagpupulong para sa mga vice operator na kumikilos sa Tanauan City ang police officer na si alyas “Hepe” sa pakikipag kutsabahan ni alyas Habagat, ang Hari ng Pasugal na kumokontrol ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies sa 48 na barangay sa naturang siyudad.



Sa “emergency meeting” ay inilatag ng naturang opisyal na si alyas “Hepe” ang kanyang istriktong patakaran sa kalakaran ng illegal activity sa buong siyudad. Layunin ng pulong ay upang isaayos kuno ang pagpapatakbo ng mga ilegalista ang kanilang labag sa batas na kitaan.

Ipinatawag din nina alyas “Hepe” at alyas Habagat ang mga barangay leader, mga maiimpluwesnya at barako na nag-ooperate ng STL bookies o jueteng na nakakawing kay alyas Habagat sa buong siyudad.



Si alyas Habagat ang namamahala sa “nacional” ng bookies/jueteng sa Tanauan City, na ibig sabihin ay ito ang kausap ng ilang matataas na opisyales ng kapulisan mula sa Camp Crame, Region 4A Police hanggang sa Batangas PNP Provincial Office.

Ang mga barangay leader, maimpluwensya at barakong indibidwal sa mga barangay na naka umbrella ang bokies/jueteng operation kay alyas Habagat ay lingguhan namang naghahatag ng intelhencia kay alyas Habagat na siya namang tagahatid ng suhol sa mga kinauukulang awtoridad.



Sapilitang pinadalo din sa meeting sina alyas Baby Tomboy, ang operator ng matagal nang inirereklamong pergalan (peryahan na pulos sugalan) na may shabuhan sa A. Mabini Ave., Brgy 2 Poblacion Tanauan at ang mga alipores nitong sina alyas Onad, alyas Rommel at alyas Pajon.

Maging si alyas Lucido at ang maraming iba pang nagpapatakbo ng saklang-patay at puesto pijo o permanenteng sakla ay nagsidalo din sa pagpupulong.

Bagama’t labag sa loob ng mga iligalista ay hindi sila makatanggi sa bagong patakaran ni alyas “Hepe” na dagdag sa dati ng malaking lingguhang “padating” sa tanggapan ng Tanauan City Police Office, Batangas PNP Provincial Police Office, PNP Region 4A Headquarter at PNP Headquarter, Camp Crame.

Nagpupuyos man ang kalooban ay walang magawa ang mga ilegalista pagkat batas ang bawat sabihin ni alyas “Hepe” sa dahilang nagpataas na din kuno ng tara ang kanyang mga boss sa Camp Crame, PNP Region 4A Office at Batangas PNP Provincial Headquarter.

Ngunit laking pagkadismaya ng mga naturang vice operator nang madiskubreng ang bawat katas ng ilegal na lingguhang nilang inihahatag ay hindi lamang para sa ilang mga matataas na PNP official kundi ginagamit na panggastos ni alyas “Hepe” sa konstruksyon ng ipinagagawa nitong mansyon na pansamantalang di ibinunyag ng SIKERTA ang lokasyon.

Kaya pala kuntodo higpit at buong sigasig sa pagbabantay ng mga “bulldog” ni alyas “Hepe” sa mga gambling den sa Tanauan City ay bitin ang pondo nito sa pagpapagawa ng kanyang mansyon kayat pati mga construction worker ay ginugulangan nito at hindi pinapasweldo.

Hind rin nababayaran ni alyas Hepe ang daang libo na halaga ng mga construction materials, kaya todo-hapit ang pambabalukol nito sa mga mga operator ng STL bookies o jueteng, pergalan/shabuhan at sakla.

Itinuturing na anay si alyas “Hepe” sa hanay ng kapulisan. Sana ay makarating kina PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at PNP Spokesperson BGen. Allen Rae Co ang mga kabalbalan nitong pinaggagagawa sa siyudad ni Tanauan Mayor Sonny Collantes. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144