Advertisers
Tunay na maipagmamalaki ng mga Pinoy itong si Alex Eala.
Bukod kasi sa mahusay sa tennis ang ating 21 años na dalaga ay kapuri-puri pa ang ugali.
Kahit 13 pa lang nang sa Espana na manirahan para mapabilang sa Rafa Nadal Academy ay nanatili siyang Pilipino sa isip at sa gawa.
” Upang hindi ko malimutan ang sariling wika ay parati akong nagbabasa ng mga aklat at magasin na nasusulat sa Tagalog, ” kwento ni Alex.
” Ang ama ko madalas kasama rin sa mga laro sa ibang bansa kaya nagagabayan ako ng aking magulang, “dagdag ng ating tennis sensation.
Ngayong retirado na ang kanyang ina ay nakakasama na rin siya ng malimit.. Chief Financial Officer si Gng. Rosemarie Maniego- Eala sa Globe Telecoms.
Pinalaki siya at kanyang kapatid na si Miko ng maayos nina Rosemarie at Mike Eala. Yung may takot sa Diyos at pagmamahal sa bayan.
Kaya hanggang ngayon taglay ng numero kinse sa WTA at kanyang kuya ang mga itinuro.
Yan din ang katangian ni Alex na gustong-gusto sa kanya ng mga tagahanga.
Dahil dito tumaas di lang kanyang ranking kundi pati commercial value.
Dati Globe at BPI lang nagtitiwala sa kanya. Tapos sumunod na ang Nike at Milo. Pumaaaok na rin ang Marriot Convoy, PAL, Panasonic at Nutri Asia.
Tinatayang aabot sa halagang $5M o P300M.
Sinasabing posibleng tumaas pa yan sa $20M kung aakyat pa kanyang puwesto sa isang taon.
Siyempre malaking tulong na maganda at magaling magsalita ang bunso ng mga Eala.
Kaya si Tata Selo hangang-hanga sa kanya.
***
Ire naman si Sen Pia Cayetano ay hangal ang tawag ni Ka Berong.
Mangyari raw ay binabaligtad ang katotohan o binabaluktot ang istorya.
Grandstanding o parang soap opera queen sa impeachment trial.
Oo mahal ng ate ni Alan Peter ang sports nguni’t minamali ng 60 na taong senadora ang kwento upang pumabor sa kanyang kapanalig, amo’t kaibigan.
Di ba noong agawan ng liderato sa Senado ay OA sa harap ng kamera.
May paiyak-iyak pa ang dating volleyball player ng UP.
Nito namang linggo ay umeksena na naman upang ipagtanggol si Atty Mans Carpio.
Oo, wala sigurong masama sa pagbili niya ng Nike shoes para sa buong team ng anak na nagkampeon sa Malaysia.
Deserving mga bata pero bakit pati mga parent o guardian ay inilibre rin. Hayun naging P236,000 ang total.
Kalabisan na yan at bawal sa batas ang lavish style ng mga opisyales ng gobyerno pati mga asawa nila.
Tinira ni Pia ang mga abogado ng prosecution sa pag-ungkat ng isyu.
Ayon kay Kaka ay walang problema sa pagbayad niya sa mga sapatos ng mga bata bilang bonus nila sa tagumpay. Pero bakit isinama sa credit card paymenr ang mga magulang.Kalabusan nga naman.
Wala sa lugar ang mister ni Sara.
O di ba nais lang ng anak na babae ni Sen Rene Cayetano na linisin ang pangalan ni Sara at asawa nito.
***
Pati si Robert Horry nagsalita na rin sa opensa ni Walker Kessler ng Lakers.
Ayon sa 3x NBA champ sa LAL noon ay walang pivot game ang bagong sentro ng purple and gold. Oo rim protector at dunker kaso kapos sa scoring.
Korek!