Advertisers

Advertisers

Cordoba, itinalaga ni PBBM bilang bagong SC associate justice

0 24

Advertisers

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Commission on Audit (COA) Chair Gamaliel Asis Cordoba bilang ika-196 na Associate Justice ng Supreme Court (SC).

Papalitan ni Cordoba si Associate Justice Amy Lazaro-Javier na magreretiro sa Nobyembre 16.

Mahigit dalawang dekada nang naglilingkod sa pamahalaan si Cordoba, kabilang ang pagiging pinuno ng COA at commissioner ng National Telecommunications Commission (NTC) mula 2009 hanggang 2022.



Sa COA, pinangunahan niya ang fraud audit sa mga flood control project at nagsumite ng hindi bababa sa 50 audit reports sa Office of the Ombudsman at Independent Commission for Infrastructure.

Ipinatupad din niya ang paggamit ng GPS-based geotagging sa mga proyekto ng imprastraktura ng pamahalaan upang masubaybayan at matiyak ang aktuwal na kalagayan ng mga ito.



Si Cordoba ay abogado at ekonomista na nagtapos sa Ateneo de Manila University at nakapasa sa Bar Examination noong 1997. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">