Advertisers
NAGHAIN ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng civil forfeiture case na sumasaklaw sa mga bank account ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Kinumpirma ito ng AMLC financial investigator na si Jan Mark Busa sa Sandiganbayan Third Division.
Ayon kay Busa, nauna ring naghain ang AMLC ng petisyon para sa freeze order at aplikasyon para sa bank inquiry na kapwa inaprubahan ng Court of Appeals. Bahagi ito ng imbestigasyon kasunod ng referral ng Office of the Ombudsman.
Sa pagsusuri ng AMLC, natukoy ang 1,951 transaksiyon sa 35 bank account ni Romualdez mula Abril 2003 hanggang Oktubre 2025.
Umabot sa P3.9 bilyon ang mga transaksiyon bago siya pumasok sa politika, habang P4.5 bilyon naman mula Hunyo 2022 hanggang Setyembre 2025, nang maging House Speaker. Binanggit din ng depensa ang mga dati nang business at investment interests ng dating kongresista.
Sa cross-examination, sinabi ni Busa na walang natukoy ang AMLC sa kanilang bank records na deposito o transfer mula sa mga contractor, Department of Public Works and Highways o dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na direktang pumasok sa mga account ni Romualdez.
Gayunman, nilinaw ni Busa na hindi saklaw ng pagsusuri ang mga cash inflow na hindi dumaan o naitala sa banking sys- tem.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.44-bilyong kickback mula sa flood control at infrastructure projects noong 2022 hanggang 2025.