Advertisers

Advertisers

Kim Chiu, pinag-aaralan ang legal na hakbang laban sa fake news at malisyosong tsismis

0 30

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Pinag-aaralan na ng legal team ng aktres at It’s Showtime host na si Kim Chiu ang posibleng pagsasagawa ng legal na hakbang laban sa mga indibidwal at online platforms na umano’y nagpapakalat ng fake news at malisyosong tsismis tungkol sa kanya.

Nagpahayag ng saloobin si Kim sa kanyang X account kaugnay ng mga taong nagpapakalat ng hindi totoong impormasyon tungkol sa kanya.



Ani Kim, “My legal team is already looking into the individuals and platforms responsible for spreading false information, malicious rumors, and invading my privacy, including possible violations of Article 26 of the Civil Code of the Philippines.

“Social media can be a powerful tool for both good and bad. Sana gamitin natin ito sa mabuting paraan, hindi para manira, manghusga, o makialam sa pribadong buhay ng ibang tao. Not everything I go through needs to be shared, explained, or justified to the public. You never know what someone is going through until you’re in their shoes.



“Freedom of expression comes with responsibility. A little kindness and respect can go a long way.”

Korek ka diyan, Kim. Freedom of expression comes with responsibility. ‘Yun na.



——

Gawing mas makabuluhan ang inyong fitness journey ngayong Nobyembre sa “KaRUNungan 2026: Bawat hakbang, para sa bata,” isang virtual fundraising run ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI). Ito ay magbibigay-daan upang mas marami pang paaralan at mag-aaral sa buong bansa ang makinabang sa de-kalidad na educational video resources.

Pumili sa 5K, 10K, o 21K challenge. Maaari mong kumpletuhin ang napiling distansya sa isang araw o unti-unting ipunin ang mga kilometrong iyong tatakbuhin sa buong buwan ng Nobyembre (1–30), sa oras at lugar na pinakaangkop sa iyo.

Para makasali, alamin ang race instructions at mag-register sa knowledgechannel.org/karunungan2026 hanggang Nobyembre 15. Ang registration fee ay P650.

Muling binubuhay ng KaRUNungan ang adhikaing pag-isahin ang mga indibidwal at komunidad sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at pagpapalawak ng oportunidad sa pagkatuto para sa bawat batang Pilipino.

Unang inilunsad noong 2004 bilang “Lakad Mo, Pangarap Ko,” ang kampanya ay nilahukan ng mahigit 8,000 indibidwal at nakalikom ng ?5.8 milyon bilang suporta sa edukasyon.